Enzo's POV:
isang linggong na din silang nandito pero hindi parin ako sanay kapag nakikita ko silang sweet sa isa't-isa. nasa likod bahay kaming lahat ngayon, late welcome party daw nila frank.
"babe heto na yung pagkain mo. umahon kana muna dyan." sabi ni ella kay frank
"lagay mo nalang muna dyan" sagot ni frank kaya nilapag ni ella yung plate sa tabi ng pool.
"kyaaahhh!!" sigaw ni ella dahil hinila sya ni frank papunta sa pool "babe naman eh! haha sira ka talaga."
nagulat ako ng biglang may yumakap sakin mula sa likod, pagtingin ko si emci pala "baby magswimming na din tayo." sabi nya tapos bigla nalang nya ako hinila at tinulak sa pool "hahaha" tawa sya ng tawa tapos naglublob na din sa pool, agad syang lumapit sa akin. "i love you baby" tapos hinalikan nya ako ng smack sa lips. nagulat ako sa ginawa nya. parang wala lang sa kanya yung ginawa nya dahil nakangiti lang sya di tulad dati kapag hinahalikan ko sya agad nya akong pinapalo. nilapit nya yung bibig nya sa tenga ko "nakakaawa ka kasing tignan eh. kitang kita sayo ang pagiging affected mo sa kanila"
napangiti nalang ako sa sinabi nya "salamat"
"wag mo nalang silang titignan para hindi ka masaktan." sabi nya
"ehem.. pwede makisali sa pool ang hindi couple" sabi naman ni nicko kaya napatawa kami. isa isa na din silang nagsilublob sa pool.
"guys tutal party naman to so lets have fun na. maglaro tayo" sabi ni jeff "meron akong baraha dito."
"ano munang prize?" tanong ko
"yung mga boys hindi na kailangan ng prize dahil for sure mageenjoy kayo haha." sagot nya "for fun lang naman kaya bawal ang kj. pakinggan nyo muna ang rules. bawat pair may sampung baraha. habang nasa pool, kukuha ang mga boys ng isang baraha sa side na to ng pool tapos ipapasa sa mga girls na nasa gitna ng pool, ang mga girls naman ilalagay yung baraha sa kabilang side ng pool. take note! bawal gamitin ang kamay, lips lang ang pangkukuha nyo ng baraha at pangpapasa nyo, bawal kagatin yung baraha. kapag nahulog uulit. ano game na ba?"
"so ibig sabihin kukunin ko yung baraha gamit ang lips ko tapos ipapasa sa lips ng babae?" tanong ni gary
"tama." nagtinginan yung ibang lalake at ngumiti, ngiting may balak at alam ko na kung ano ang balak nila.
"teka! ayoko! kilala ko kayo! sigurado may gagawin kayong kalokohan." sabi ni kim
"wala no. good boy kaya kami. di ba mga bro?" depensa naman ni gary
"haha o sige magready na kayo." sabi ni jeff
"teka tatanggalin ko lang tong tshirt ko para hindi mabigat" sabi ni emci tapos inalis nya yung tshirt nya. napatulala ako ng makita syang naka two piece. ang sexy sexy pala nya. ngayon ko lang nakita ang katawan nya kaya hindi ko expect na ganito pala kaganda ang hubog ng katawan nya. langya naman naramdaman kong may nabuhay saakin. "hoy! magready kana!" sabi nya tapos binasa nya ako sa mukha.
"guys ready?! get set! go!" kakaumpisa palang namin nagsisigaw na yung mga girls. pano ba naman kitang kita mo yung mga boys na ihuhulog nila yung card kapag malapit na sa lips ng babae tapos ayun magkikiss sila. gusto ko din sana gawin yun kaso baka magalit si emci mahirap na baka mabugbog ako. nakaka five cards na kami sila tig-dalawa palang. everytime na nililipat ko yung card kay emci tapos magkalapit yung mukha namin natutukso akong halikan sya. pang six na card na namin kaso noong saktong ililipat ko na sakanya nagulat ako nung biglang nahulog yung card kaya nagtama yung mga lips namin.
BINABASA MO ANG
A Perfect Setup
RomanceEverything was perfect until she came back. Masasabing mo bang nakapagmove-on ka na talaga? Isang kasunduan na pareho kaming makikinabang. Give and take kung baga. Mahuhulog ba kami sa sarili naming pagpapanggap?