chapter 23

613 31 12
                                    

Emci's POV:

lunch time ng sinundo ako ni enzo sa classroom namin dahil tutulungan daw namin si ella. kahit ayokong sumama sa kanila wala akong magagawa. nadatnan namin si ella na naghihintay sa tapat ng office of the registrar.

"kanina ka pa?" tanong ni enzo kay ella

"hindi naman. kakadating ko lang din." sagot nya

"ayusin na muna natin yung mga papers nyo tapos sabay sabay na tayong maglunch." sabi ni enzo

sandali lang ang naging proseso lalo na si enzo ang nakipagusap para ipriority yung papers nina ella at frank. pagkatapos naming ayusin ang papers nila naglakad na kami papuntang parking lot. nauna kaming maglakad tapos si ella sa likod namin. si enzo naman kanina pa nakakapit sa bewang ko tapos ngingitian ako. walang nagsasalita samin. pagkasakay namin sa kotse pumunta kami sa resto na madalas naming kinakainan.

"baby say aaahh!" sabi ni enzo tapos sinubuan ako. "good girl naman ng baby ko. dahil dyan may premyo ka." sabi nya tapos hinalikan nya ako ng mabilis sa lips. sira ulo to. ginawa pa akong bata.

"ang sweet nyo naman." sabi ni ella.

"sempre mahal na mahal ko to eh." sabi ni enzo tapos inakbayan nya ako "ano pala yung inasigaso ni frank?"

"sa company daw nila. sabi nya 1 week daw syang mawawala eh. sabi nya sayo muna daw ako magpapatulong kung may gusto akong puntahan eh." sagot nya tapos nakangiti kay enzo, tsk wala lang ang bf nya kung makangiti kay enzo parang wala silang past.

"sakin?? bakit sakin?" gulat na tanong ni enzo

"hindi ka ba nya tinext o tinawagan?" tanong ni ella. agad naman tinignan ni enzo yung phone nya

"kagabi pa pala nya ko tinatawagan hindi ko napansin. ngayon ko lang kasi ulit tinignan yung phone ko eh." sagot ni enzo "bakit may pupuntahan ka ba?"

"uhmm. gusto ko sanang libutin yung academy. para naman hindi ako mainip habang wala si frank." sagot nya

"ahh.. ehh.." hindi makasagot si enzo tapos tinitignan nya ako na parang nanghihingi sya ng tulong kung anong sasabihin nya

"sige sasamahan ka namin." sagot ko. nagulat naman si enzo sa sagot ko.

"that's great. kumusta naman pala yung lakad nyo kahapon?" tanong ni ella kay enzo

"ayos lang. pinakilala ko na sya sa parents ko." sagot ko tapos nginitian ko sya.

"ahh.. so enzo kumusta pala sina ate thea mo?" tanong nya.

"ayos lang sya." tipid na sagot ni enzo "malapit ng mag 1pm. we should go baka malate tayo." parang nag-iba yung aura ni enzo. galit ba sya?

umalis na kami sa resto. habang nasa byahe hindi umiimik si enzo. deretso lang ang tingin nya sa daan. anyare sa kanya? tinignan ko si ella sa likod, busy sya sa pagcecellphone. "psst. psst. psst. enzo?" tawag ko sa kanya

"bakit?" tanong nya na hindi man lang ako tinignan

"napano ka? bakit ganyan yung itsura mo?" bulong ko

"wala" tipid na sagot nya

"tss.. bahala ka nga." sabi ko tapos tumingin nalang ako sa bintana

pagdating namin sa school humiwalay na samin si ella dahil may pasok din sya. hinatid naman ako ni enzo pero nauuna syang maglakad sakin. hahabulin ko sya tapos bibilisan naman nya yung paglalakad. hahabulin ko ulit tapos bibilisan nya ulit. tsk! napano ba sya?! "bahala ka nga! wag mo na kong ihatid!" sabi ko kaya napahinto sya tapos ako naman nauna maglakad sa kanya

A Perfect SetupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon