chapter 22

893 25 14
                                    

Emci's POV:

"baby nandito na tayo." tinapik tapik ni enzo yung balikat ko "puyat na puyat ka ba baby? haba ng tulog mo eh" sabi nya

"hindi naman. inaantok lang talaga ako." sagot ko habang nagaayos, wala na sina ate sa van kaya inaya ko na din syang bumaba "tara baba na tayo."

nauna syang bumaba tapos inalalayan ako "baby bigla akong kinabahan. nakakatok ba ang papa at kuya mo?" tanong nya pagkababa ko

"uhmm.. last time na may bumisita sakin nakaupo lang sila sa sala, si papa nililinis yung samurai nya tapos si kuya inaassemble yung shotgun nya."

"baby naman eh. tinatakot mo lang ako eh." sabi nya

"haha tara na nga." sabi ko tapos nauna na maglakad.

"baby hintayin mo ko." sigaw nya tapos ng maabutan ako hinawakan nya yung kamay ko "para sweet tayo tignan hehe"

pagdating namin sa maindoor sinalubong kami ni mama "good evening po tita" bati sa kanya ni enzo

"good evening din" bati samin ni mama "pumasok na kayo para makapagdinner na tayo, kanina pa naghihintay ang papa mo sa inyo." nakangiting sabi ni mama

"good evening po." bati ni enzo ng madatnan namin sina papa, kuya at sina ate sa sala,

"good evening din iho" bati ni papa ."kumain na muna tayo"

tahimik lang ako habang kumakain kami. kinakabahan kasi ako baka magtanong sina papa at kuya tapos kung anu-ano masagot ko. "enzo kumusta naman ang parents mo?" tanong ni papa

"ayos naman po sila. medyo naging busy lang po sila this past few months sa trabaho, nagkaproblema po kasi yung branch ng company namin sa london." sagot ni enzo

"kailan sila uuwi? matagal na din ng huli kaming magkita." -papa

"maybe this month po uuwi na sila. na kwento ko na nga po kayo sa kanila eh. sabi nga po ni papa paguwi nila mag get together daw po kayo ulit." -enzo

"alam mo bang ako ang naging tulay ng papa mo sa mama mo." sabat ni mama

"talaga po?" parang naamaze naman si enzo sa sinabi ni mama

"oo, madalas kasi akong kasama ng mama mo noon. akala nga ni henry nanliligaw ang papa mo sa akin eh. nanliligaw palang kasi si henry noon kaya ang sama lagi ng tingin nya sa papa mo" sagot ni mama, henry is my dad

"sempre hindi ko naman alam na torpe pala si luis noon. akala ko sayo talaga sya nanliligaw, hindi mo naman kasi sinabing tinutulungan mo lang sya kay abigail" paliwanag ni papa

"haha. secret nga kasi yun haha." sabi ni mama

"yun ba ang pangalan ng mga parents mo?" bulong ko kay enzo

"yes" sagot nya

"ang liit lang talaga ng mundo. akalain mo bang kayo pa ni emci ang magkakagustuhan. pero kahit kaibigan pa namin ang parents mo dadaan ka parin samin ng kuya nya. haha" sabi ni papa "alam mo bang kung hindi lang kayo ni emci ipapakasal ko na sya sa anak ng kaibigan ko. kaya kapag pinaiyak mo sya at iniwan agad ko na syang ipapakasal sa iba" pagbabanta ni papa kaya kinabahan ako. so balak talaga ni papa na ipakasal ako. kapag nalaman ni papa na nagpapanggap lang kami baka ipakasal na nya ako agad.

A Perfect SetupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon