chapter 11

769 33 27
                                    

third person's POV:

weekend ng hapon at walang magawa si enzo. inaaya nyang lumabas si emci pero ayaw ng dalaga dahil tinatamad daw ito. yung mga boys nasa kitchen kumakain. si kim at mich nasa living room nagkukwentuhan. si enzo nasa hagdan naka upo na parang batang may hinihintay. "bro bat dyan ka naka upo? anong ginagawa mo dyan?" tanong ni gary ng makita sya nito

"hihihintay ko si emci ang tagal bumaba naiinip nako." sagot nito

"alam mo pansin ko si emci na lagi gusto mo kasama. ang dalang mo na sumama sa mga lakad ng barkada." umupo na din sya sa may hagdan "na miss tuloy kita. pa kiss nga." aktong hahalikan sya ni gary kaya nasapok sya agad ni enzo

"hoy! tigilan mo ko gary ha." saka lumayo sa kanya si enzo sa kanya

"siga na papa enzo. pakiss isa lang" tumayo na din si gary at lumapit la enzi "come to mama gary baby." naka open arms pa ito

"kadiri ka lumayo ka sakin!" tumakbo si enzo sa may kusina pero sinundan sya ni gary. tawanan lang yung mga lalake dahil alam nilang sinumpong na naman ng kabaliwan si gary. kanina pa din sila naiinip pero tamad din silang gumala.

"enzo wag mo nako pahirapan."

"sasapukin ulit kita paglumapit ka sakin." pero tuloy parin sa paglapit si gary at nakaumbok ang mga labi. na pansin na din sila ng dalawang babae kaya nagtawanan sila. tumakbo si enzo papunta sa likod ng mga babae. "isa gary!" sigaw nito ng palapit si gary

"para naman di tayo magkaibigan. sige na isa lang. walang malisya promise." natatawang sabi nito at nakataas pa yung kanan kamay nya

"lumayo ka sakin!" sigaw ni enzo tapos pinagbabato nya ito ng throw pillow. ng wala na sya mabato. "eto si kim. si kim nalang halikan mo tutal crush mo yan di ba?" tinayo ni enzo si kim tapos nagtago sa likuran nito.

"kim pwede kaw nalang daw. ayaw ni enzo eh." sabi nito na kinapula ng dalaga. mabilis pa sa alas singkong pay tumamang kung ano sa ulo ni gary. ng makita nya isang buong orange.

"hoy kung mangtitrip ka layuan mo ang kapatid ko." binato na naman ni jeff si gary ngunit nasalo nya ito

"isang kiss lang naman eh hahaha" sagot nito

"aba't loko to. tumakbo kana hanggat may lupa!" tumakbo naman si gary ng lumabas sa kitchen si jeff. nagikotan lang sila sa living room. "pag nahuli kita pati mata mo may latay!"

"bro suntok dali!" sabi ni enzo ng mahawakan si gary. ang mga girls naman tawanan lang

"aba't tulungan ba to?" tanong ni gary "hoy mark! pag di mo ko tinulungan dito di rin kita tutulungan kay steff!" bantang sigaw nito kay mark. si steff kasi ay sumali sa voice club ng school kung saan si gary ang president.

"hoy! tumigil na kayo dyan." lumapit na din yung dalawang lalake "wag nyo munang papatayin yan. di pa kami ni steff." natatawang sabi nya

"mapapasagot mo naman si steff kahit wala na to eh." sagot ni enzo habang nakahawak sa dalawang braso ni gary tapos si jeff hinawakan yung mga paa ni gary na nagpupumiglas

"hoy! ano ba?! tama na." sigaw ni gary

"nicko tulungan mo kami. nakalimutan mo may utang kapa sakin." sabi ni jeff na tinutukoy ay hindi pera kundi nung tinulungan nya itong diskartihan yung isang chicks. pag talaga nagkagipitan naglalabasan ang mga sumbatan. "dalhin natin to sa kitchen" nginuso ni jeff. binuhat nga nila si gary na nagpupumiglas sa kitchen

"mark tulungan mo ko!" sigaw ni gary

"pare tatlo sila isa lang ako hehe." sumunod nalang sya sa kitchen "teka kung papatayin nyo na sya san nyo lalagay yung katawan nya?" seryosong tanong ni mark

"oo nga no." nagisip muna si enzo "alam ko na. nicko maghukay kana sa likod. dali" utos nito

"ayoko nga, papagurin nyo pa ko. ikaw nalang ako hahawak dyan."

"sige wag na lang yun. baka mapagod pa ko." seryoso parin silang naguusap kala mo totoo

"mga kumag kayo! pakawalan nyo na ko"

"alam ko na bro. chop chopin natin ng maliliit tapos iflush sa cr." suggest ni mark

"oo nga! ang talino mo talaga." nagapiran pa sila.

"teka kunin ko lang yung butcher knife natin." sabi ni mark

"bro nasa pangatlong kabinet. dalian mo!" sigaw ni jeff dahil mas nagpumiglas si gary

"mga bro joke lang yun. tagal na natin nagsasama wag naman kayo ganyan." natatawang sabi ni gary

"tatawa tawa kapa ha. wala ng sorry sorry!" kinuha na ni jeff yung butcher knife kay mark tapos si mark na humawak sa paa ni gary. hinasa hasa pa ni jeff yung hawak nya

"LORRENZO TORRES!!" dinig na sigaw nila mula sa labas "HOY LORRENZO!!" nagmadali naman si enzong pumunta sa hagdan

"wala ako sabihin nyo." sabi nito at umakyat na

pabalibag na nabuksan ang pinto "LORRENZO!" inikot nya ng tingin ang buong living room at nakita nya ang dalawang babae na shock parin sa kanya. nakita nya yung mga lalake sa may kithen. "nasan ang magaling kong kapatid?!" sigaw nung magandang babae na niluwa ng pinto ng di nya makita ang kapatid nya. "wag kayo magsisinungaling kung ayaw nyo sa inyo ko gamitin yang hawak mong patalim." banta nito na tinitignan si jeff . si jeff naman automatic na tinago sa likuran nya yung hawak nya

"a-a-ate nasa taas po." takot na sabi nila. iniwan na ng babae ang mga ito at pumunta sa may hagdan

"hoy ezno bumaba ka dito kung ayaw mong mas masaktan! sisilip silip kapa dyan!" sigaw ng ate nito. dahan dahan namang bumaba si enzo. "dalian mo!"

"teka lang ate." nagmadali naman itong bumaba. "a-a-ate anong ginagawa mo dito?" tanong nito ng makalapit sa ate nya.

teka teka, sino ba ang ate ni enzo at parang takot na takot ang mga boys sa kanya? well sya si Thea Eunice Torres, nakakatandang kapatid ni enzo. sya ang mayari ng top magazine company sa bansa. si enzo ay isa sa mga top model nya. sempre kalahati lang ang bayad nya dito. lagi nyang kinukuhang model ang mga kapatid. mas mura daw at para naman may sariling income na ang mga kapatid nya. isa syang taekwando blackbelter at marunong ni sa martial arts. mabait naman sya pwera nalang kung galit dahil wala syang sasantuhin.

"at talagang tinanong mo pa kung anong ginagawa ko dito ha?!" sinakal sya nito gamit ang isa nyang braso kaya napayuko si enzo hanggang sa bewang nya at yung isang kamay ay kinutos ang ulo nito. "nastress ako ng husto dahil narush akong kumuha ng model kapalit mo! ang mahal pa ng binayad ko sa mga models na yon. kasalanan mo to." patuloy parin ang pagsakal nya dito "babayaran mo ang nagastos sakin." diin na sabi nito

"ate sorry nakalimutan ko. please let me go." pagmamakaawa nito

"anong nakalimutan?! puro text call at email ako sayo pero ni isa wala ka sanagot. humanda ka talaga sakin" ngitngit parin nito

"i'll be your cover for next month for free." alok nya dito

niluwagan nya ng konti ang pagkasakal kay enzo pero di parin nya ito pinakawalan "talagang ikaw ang cover next month. at sa loob ng six months. hindi lang yun ikaw din ang magiging model for the lovers section ng magazine for the next month." paliwanag nito

"bat pati sa lovers section?" tanong nito

"ayaw mo?!" hinigpitan nya ulit ang pagkakasakal dito

"ok. ok. please let me go. mamamatay nako eh."

"emci! your emci right? your in right timing." tanong ng ni thea at nginitian nya ito ng makitang pababa mg hagdan si emci. tango lang ang sagot ng dalaga "good. napakaganda mo pala sa personal."

"ah thank you po." taka parin si emci kung bakit kilala sya ng babaeng di nya kilala at sakal sakal nya si enzo

"i know nagtataka ka. im thea, ate ni enzo" pakilala nito at nilahad yung kamay tinanggap naman ni emci "i'll explain it habang nasa byahe tayo. lets go" sabi nya na hilahila ang kamay ni emci tapos sakal sakal parin nya si enzo

"ate realese me please." pagmamakaawa ni enzo

"ate thea." tawag ni mark "baka mamatay si enzo. may utang pa kasi sya sakin. pag nabayaran nalang nya dun mo nalang tuluyan hehe."

"ok" binitawan na nya si enzo tapos hinila na si emci palabas "enzo! bilisan mo!" sigaw nito

si enzo naman parang kinakapos ng hininga. lumapit naman ang mga kaibigan nya sa kanya "bro nakakatakot talaga ate mo." iiling iling na sabi ni nicko

"enzo ano ba! kukutusin ulit kita pag di kapa lumabas dyan!" sigaw ng ate nya sa labas

"bro penge bottled water." sabi nya na hawak hawak ang leeg nya

"eto bro. labas kana baka pumasok pa ulit dito ang ate mo kaladkarin ka pa palabas." abot ni mark sa kanya ng bottled water

lumabas na si enzo at nakita ang ate nya at si emci sa tapat ng isang van kasama nila ang assistant ng ate nya. sumakay na sila sa van at nagbyahe

"ate san ba tayo pupunta?" tanong ni enzo habang nasa byahe

"sa studio. madami tayo ishoot. remember kayo pa ang model for the lovers section." sagot ng ate nya na nasa harap. bale yung aassistant ang nagdadrive katabi si ate tapos sa likod kani ni emci

"kami?!" shock na tanong ni emci

"oo. kayo ang magiging model ko for next month. dont worry may talent fee ka." tinignan sya ni thea at nginitian

"per--" di na natuloy ang sinasabi ni emci dahil pinigilan sya ni enzo

"emci please wag kana tumanggi. tulungan mo ko." pagmamakaawa ni enzo "nakita mo naman si ate kanina di ba? iba yan pag nagalit. babawi nalang ako promise kahit ano gagawin ko basta tulungan mo muna ko." bulong nito

"pero ayoko maging model." bulungan lang sila naguusap

"please. tsaka di ka naman gagawing model talaga. ngayon lang yan" tinignan nya si emci ng nakakaawa

"ok sige. pero di ako marunong."

"ako bahala dun. tsaka magaling si ate dyan."

"pero nakakatakot ang ate mo. mukang masungit."

"mabait naman ang ate ko. nakakatakot lang sya pag galit."

"ano bang nangyari?" tanong no emci. inexplain naman ni enzo yung mga nangyari.

"ahh kasalanan mo naman pala eh." sabi ni emci "teka pano pala ako nakilala ng ate mo?" napalakas na ang boses nya kaya narinig na ni thea ang tanong nya

"kinwento ka sakin ni misha. at nakita ko yung mga kinunan nyang pictures nyo. and you look a perfect couple hihi." nakangiting sagot ni thea

nashock na naman si emci nung narinig yung tungkol sa mga pictures nila ni enzo ng natutulog. "dont worry maganda yung kuha ni misha." nginitian lang sya ni thea. tumahimik na sila buong byahe

mga tatlong oras din ang byahe nila bago makapunta sa studio ng ate ni enzo.

"hey. gumising na kayo nandito na tayo." gising sa kanila ng ate nya

nang makapasok na sila agad na dumeretso si thea sa office nya. "vinz paayos mo na sila kina jass." utos nito sa assistant nya

"sige. ipapahanda ko na din yung studio" lumabas na si vinz at hinarap sina enzo "tara na magayos na kayo. tutulungan nila kayo." turo nya sa mga makeup artist

pagkatapos nila magayos tinawag na ni vin si thea. yung ishoshoot muna nila ay para sa cover ng magazine. lumabas na si enzo and my gosh!! he's so hot! topless sya at ang laki ng katawan nya. si emci tuloy laway na naman kaya nilapitan sya ni enzo. "o naka nga-nga ka na naman." tsaka sya nagsmirk "nagagandahan ka na naman sa katawan ko? haha."

"kapal lang?" inirapan lang sya ni emci kaya lalong lumapit sa kanya si enzo

"really?" si emci naman lumalayo habang lumalapit si enzo hanggang may naapakam sya kaya na out of balance sya buti nalang at nahila sya ni enzo. nakayakap sa bewang si enzo tapos yung mga kamay ni emic nasa dibdib ni enzo at ang lapit ng mukha nila at biglang may nagflash na camera. lilingon sana sila kaso may sumigaw

"hold that pose!" sigaw ng ate ni enzo. "emci put your arms around enzo's neck." utos nito kaya ginawa nalang ni emci

"you look so pretty on your white dress." bulong ni enzo habang nagpopose. nagblush naman si emci pero di nya matago kasi kinukunan sila ng ate ni enzo.

sa isip ni emci 'ang bango ng hiningan nya and he's so handsome. gosh i can't breath. and every time we do another pose, feel ko namumula ako. gosh bat ang gwapo gwapo nya. i cant help my but to look at his beautiful eyes, handsome face, his red lips, every part of his face and his mascular body. bat ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.'

"hey kanina mo pa ako tinitignan. naiilang nako haha."

"ah.. wala. nakakatakot kasi ate mo kaya nagfofocus ako hehe." palusot nito

"ok 10mins break!" sigaw ni thea "vinz paready yung bed." utos nya tapos nilapitan nya sina enzo

"you look a perfect couple. ang gaganda ng kuha nyo." puri nito sa kanila habang tinitignan yung mga photos

"ah.. miss thea pwede magtanong?"

"ate nalang emci. girlfriend ka naman si enzo eh." nginitian nya ito

"di nya--" pinisil ni enzo ang kamay ni emci kaya napatingin sya sa kanya. parang sinasabi nya 'wag mong sasabihing di tayo'

"ano yung emci?" tanong ni thea

"ah tatanong ko lang po sana, kasi sabi nyo kanina unang ishoshoot yung cover. e bat kasali po ako? tsaka bat may kama"

"well ang ganda kasi ng chemistry nyong dalawa kanina and i dont want to miss that moment. kaya kasama kana sa cover ng magazine. tsaka gusto ko sa lovers section nakahiga yung couple"

"what?!" shock na tanong ni emci

"ayos lang yan. ang ganda kaya lahat ng kuha nyo." pinakita nya yung mga photos sa kanila at ang gaganda nga ng mga kuha nila

"emci wag kana kumontra kay ate di ka rin mananalo hehe." sabi ni enzo kaya tumawa din ang ate nya

"o-ok po." pilit na sabi ni emci

"maiwan ko muna kayo. babalik ako mamaya may kukunin lang ako sa office ko." umalis na si thea at saka naman lumapit ang isang personel dito at inabutan sila ng tubig. yung makeup artist naman ay lumapit na din para iretouch sila.

"ok guys ready. ezno humiga na kayo. ang gusto kong icapture na scene is a happy couple sleeping together. ok lets start." instruct ni thea

nahiga na sila sa kama para matapos na agad kahit naiilang sila. topless pa rin si enzo tapos si emci naman naka white dress. naka kumot sila hanggang sa may bewang ni emci

"emci yung ulo mo higa mo sa dibdib ni enzo." utos ni thea kaya sumunod nalang sya. pinatong lamang ni emci ang ulo nya sa may braso ni enzo, nakita ni thea na naiilang si emci kaya hindi maganda yung mga take kaya lumapit na sya at sya ang nagayos sa pwesto ni emci.

"dito mo lagay yung ulo mo tapos yung kamay dito. act natural para matapos na tayo. magdikit pa kayo." nilagay ni thea yung ulo ni emci sa isang dibdib ni enzo tapos yung isang kamay nya sa kabilang dibdib at dumikit pa sya ng husto tulad ng sabi ni thea "ok lets start again."

sa isip ni emci 'bat ang bilis bilis na naman ng tibok puso ko. kinakabahan lang siguro ako. ang bango bango nya shet!! ang init ng katawan nya. shetness!! ang sarap nyang yakapin!! hayy!! ano bang naiisip ko!!'

"ok now gusto ko magtitigan kayo. give me a look that your happily inlove with each other." sigaw ni thea kaya tumagilid sila ng harapan tapos nagtitigan lang. hindi na naman na satisfy si thea sa position nila kaya nilapitan sila ulit. "di ba kayo sanay may camerang nakatutok sa inyo pag nakaganito kayo? haha" natatawang sabi nito tapos pinagdikit nya sila. nung tipong tutulungan na naman sila ni thea ay hinila ni enzo si emci sa bewang kaya nagkalapit sila tapos yung kamay ni emci nilagay ni enzo sa may leeg nya. nilapit ni enzo yung mukha nya, yung tipong naduduling na si emci.

"kaya mo naman palang ayusin enzo gusto mo pa ko lumapit." lumayo na si thea at sinimulang kunan sila. "i want to see a near to kiss pose." nagulat naman si emci kaya tatayo sana sya kaso hinigpitan ni enzo ang yakap sa kanya

"wag kana kumontra. lets finish this para makauwi na tayo." bulong ni enzo

"pero--"

"shh.." nilapit lalo ni enzo yung mukha nya yung lips nla nga 1cm nalang ang layo kaya pumikit na lamang to. hehe sukat ko talaga kung gano kalayo haha.

bumilis lalo ang tibok ng puso ni emci. parang may naguunahan sa loob nya. "ok! good work guys!" sigaw ni thea kaya nagligpit na yung mga assistant nya. pero sina enzo hindi parin gumagalaw, si emci naman nakapikit parin kaya biglang hinalikan na lamang sya ni enzo. nagulat si emci ng bigla syang halikan pero di parin sya dumidilat. mga 7seconds kiss din yun. aba jackpot si emci hihi XD.

"wow! i wasn't expecting that!" sigaw ng ate nya ng maghiwalay ang mga labi nila "buti na lang i'm always ready kaya nakunan ko yung scene na yun." sabi nito na tinitignan yung kuha nya.

hindi sya pinansin nina enzo dahil nagtititigan sila ni emci. si emci naman nagbablush. hindi sya nakakaramdam ng inis dahil sa ginawa ni enzo bagkus ay napapangiti sya dito "lets go?" tanong ni enzo tapos nginitian nya si ito. agad na tumayo si emci at dumiretso sa cr.

"SHET!!" sigaw ni emci ng makapasok sa cr. tumingin sya sa salamin habang hawak hawak nya yung labi nya. nakangiti lamang sya habang nakaharap sa salamin "ninakaw na nga nya ang first kiss ko tapos ngayon pati second kiss ko pero bat hindi man ako nagalit ng hinalikan nya ko? ano ng matitira sa first boyfriend ko? pero infairness ang sarap pala ng halik. hay ano bang naiisip ko! naman eh!" hinawakan nya ang dalawa nyang pisngi. "tsaka bat ang bilis ng tibok ng puso ko. kanina pa to ah. para kong hinihingal."

"emci matagal kapa ba dyan?" tawag sa kanya ni enzo habang kinakatok yung pintuan ng banyo

"saglit lang!" sagot nito at naghilamos muna.

paglabas nito sinalubong agad sya ni enzo at ng isang p.a.

"mam magbihis na po muna kayo." sabi nung p.a

"ok" tapos sumunod na si emci at iniwan nalang basta si enzo. pagkatapos nyang magbihis ay pinuntahan na nya sina enzo at ate nya na naguusap.

"emci itetreat daw tayo ng dinner ni ate kaya tara na." nilahad ni enzo ang kamay nya pero di nya ito tinanggap

"ate pwede muna po ba kami magusap ni enzo?"

"ah sure. mauna na ko sa kotse. sunod nalang kayo sa baba."

"ok po" hinarap ni emci si enzo ng makalabas na ng studio si thea "hoy enzo!! bat mo ko hinalikan kanina!" sigaw nito at hinampas pa nya ito sa braso

"aray naman" hinimas himas ni enzo yung braso nya

"talagang masasaktan ka sakin. bat ginaw mo yun?!!"

"kasi naman sabi ni ate tapos na pero ikaw nakapikit ka parin. kaya akala ko naghihintay kang halikan kita." paliwanag nito ng naka pout "tsaka bat late reaction ka ata? aminin mo gusto mo din yun." nagblush naman si emci sa sinabi nito "o ayan nagbablush kapa"

"hindi ah!" pinalo nya ulit to sa braso. "at ako pa talaga may kasalanan?!"

"sorry di ko naman alam eh." nilapitan sya ni enzo

"che! wag ka lalapit sakin!" nauna ng bumaba si emci at sinundansya ni enzo. pilit na nagsosorry si enzo habang pababa sila. si emci naman panay hampas sa kanya.

ng makita nila si thea sa tapat ng isang red car kinawayan nya si emci kaya lumapit na sila dito. "lets go." pumasok na si thea  tapos nauna na pumasok si emci at nakita nyang kasama pala nila si vinz kaya nginitian nya ito. pumasok na din si enzo at umupo sa tabi ni emci, pero si emci lumayo sa kanya, lumapit parin si enzo sa kanya

"enzo isa!" tinaas ni emci yung isa nyang kamay na tanda na hahampasin nya ito kapag di sya tumigil kaya nagpout si enzo at tumigil nalang. tahimik lang sila buong bhaye at everytime na lalapit si enzo ay titignan sya ng masama ni emci kaya lumalayo din agad ito.

--

malapit na pasok hehe im excited.

--khenntheo

A Perfect SetupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon