chapter 25

480 15 4
                                    

Mich's POV:

Mula pa sa byahe pauwi kinukulit nako ng tatlong babaeng to hanggang sa makarating nakami sa pad. Grabe super excited nilang malaman kung paano ko sinagot si Nicko. Hihi

Hanggang ngayon kinikilig na nahihiya parin ako kapag naaalala ko yung ginawa sakin ni Nicko. Feeling ko ang haba ng hair ko hihi. Pene be nemen kese lekes ng trep nye hihi. Pinasagot nya ba naman ako on-air.

Na antala ang pagrereminisce ko ng bigla akong tawagin ng bestfriend ko. Panira talaga tong babaeng to.

"Sis dali na. Kwento na." Sabi ni Emci pagpasok nila sa kwarto ko.

"Excited much sis?" Tinaasan ko sya ng kilay. "Maghilamos muna kaya tayo? Ang lagkit ko na eh." Sabi ko.

"Ang dami namang commercial ng babaeng to. Magkukwento ka ba o kakalbuhin ka namin?" Tanong ni Steff at pinagkrus ang kamay nya. Grabe naman tong mga to.

"Ok fine! Atat lang talaga?" Taray na sabi ko tapos umupo nako sa kama at umupo na din sila sa tabi ko.

~FLASHBACK~

Nandito ako ngayon sa radio station. Nag-aayos ako ng mga gamit ko dahil malapit ng mag-umpisa ang programa ko. I'm a dj kasi dito. Pinasok ako dito ni Nicko para daw masanay na akong makipagusap sa mga ibang tao. Tinanggap ko naman kasi tama sya. Dapat masanay na ko habang maaga.

Ang program ko ay tungkol sa love stories. Kung si Nicko ang nakatoka sa love advices at love problems, sakin naman nya binigay ang pagtalagay sa mga love stories ng mga listeners ng station namin.

Noong una akong pumasok dito ay isinama muna nila ako sa program ni Nicko para daw ipakilala at maturuan muna daw ako. Few weeks after, binigyan na nila ako ng sariling program. Medyo nangangapa pa ko pero keri na. Friendly naman ang mga callers at mga listeners ko kaya hindi na ko kinakabahan.

Nagbigay na ng signal sakin yung staff na ibig-sabihin ay mag-oon-air nakami.

"Pano mo masasabing maganda ang gabi kung di mo ko kasama?! Hahaha. Good evening listeners. Magkakasama na naman tayo for this night guys. Kaninong love story naman kaya ang hahalukayin natin? Haha. Kung gusto nyong ishare sa amin ang kilig moments ng inyong love story tumawag lang kayo sa hotline namin, 833-***. So habang naghihintay tayo ng caller, here is a song for you guys. Blank Space by Taylor Swift." Bati ko sa mga listeners ko.

Nice to meet you, where you been?
I could show you incredible things
Magic, madness, heaven sin
Saw you there and I thought
Oh my God, look at that face
You look like my next mistake
Love's a game, want to play?
New money, suit and tie
I can read you like a magazine
Ain't it funny, rumors, lie
And I know you heard about me
So hey, let's be friends
I'm dying to see how this one ends
Grab your passport and my hand
I can make the bad guys good for a weekend

Hanggang ngayon di parin ako sanay magdj. Grabe buong gabi kang walang kausap hanggat wala kang caller. Para akong timang na salita ng salita tapos tinatawanan ang mga corny kong jokes. Masaya naman ako dito lalo na kapag may caller kasi magchichikahan at ookrayin ko lang sya hanggang matapos ang call nya. Ang nakakainip na part lang ay kapag nagkataong walang tumatawag ilang oras na ang nakakalipas. Syempre bagong dj palang ako kaya hindi pa ako masyadong kilala at ang programa ko kaya madalang lang ang tumatawag. Naiinggit nga ako kay Nicko kasi kapag sya ang on-air hindi na makakapagpahinga ang hotline sa sobrang dami ng tumatawag. Iba talaga pag gwapo daming stalkers. Oo stalkers talaga dahil puro babae ang caller nya at halatang gawa-gawa lang nila ang mga love problems nila para lang maka-usap si Nicko. Pero marami na din naman akong caller.

A Perfect SetupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon