chapter 18

619 24 10
                                    

Enzo's POV:

"kaibigan pala ang gusto mo ha. sige." sabi ko habang nagdidrive. shit! ano bang kinakatakot nya? naglakas ako ng loob para sabihin lang ang lahat ng yun sa kanya tapos friends lang? nice.

pagdating ko sa pad dumeretso ako sa kwarto ko. kumuha ako ng alak at umupo sa study table ko. "langya naman. i have the looks, the means and sex appeal pero bat nireject nya ko?" natatawa nalang ako sa sarili ko. "grabe. bat ako nagpapakabaliw sa kanya." inubos ko yung alak sa baso ko tapos kinuha yung bote ng alak at dun nalang ako uminom. "why is this heart always love the person that can't love me back?" naramdaman kong may unti unting dumadaloy sa mukha ko. naulit na naman yung pakiramdam na matagal ko ng kinakalimutan.

naparami na yung inom ko. pero gusto ko pang uminom hanggang makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko.

*knock *knock

napatingin ako sa pinto ng biglang may kumatok. inubos ko muna yung isa pang bote bago ako tumayo para buksan yung pinto

*knock *knock

"ano bang kailangan mo?!" sabi ko pagkabukas ng pinto. nagulat ako ng si emci ang nakita ko

Emci's POV:

tahimik lang ako habang nasa byahe kami. nasa isip ko pa rin yung paguusap namin ni enzo. dati naiinis ako dahil ayaw nyang magtapat sakin tapos ngayong nagtapat na sya ganun ang sinabi ko. ano ba talagang gusto ko?! naguguluhan nako.

"sis ok ka lang?" tanong ni mich ng makita nyang malalim ang iniisip ko

"ah.. oo. pagod lang ako." sagot ko

pagdating namin sa bahay nagpaalam nako sa kanila na mauuna na akong umakyat. nagstay pa kasi sila sa garden. pagdating ko sa tapat ng pinto ng kwarto ko napaisip ako. kailangan ko syang makausap ulit. gusto ko sya pero hindi pa ako handa sa ngayon, kaya gusto sanang maging magkaibigan muna kami. gusto ko syang kilalanin ng husto. ayoko ng magpadala sa damdamin ko. huminga muna ako ng malalim bago ako tumalikod.

*knock *knock

di ko alam sasabihin ko. help me to think guys. bahala na nga si batman. kumatok ako ulit

*knock *knock

"ano bang kailangan mo?!" sigaw nya pagbukas ng pinto. kaya nagulat ako at yumuko

"sorry." sabi ko

"for what?" malamig na tanong nya

"sorry kasi hindi ako handa. takot akong masaktan." sagot ko.

"ayos lang yon." sabi nya tapos sinara na yung pinto.

napabuntong hininga ako "babalik na naman kami sa walang pansinan" pumasok nako sa kwarto ko. nilagay ko yung dalawang maliit na teddy bear sa gitna nung dalawang malaking teddy bear. "bat ba ako nagkakaganito? buti pa kayo ang saya nyo tignan. may baby na din kayo." para lang akong sira kinakausap yung mga teddy bear. "hay!!" tumayo na ako at nagpalit ng damit tapos nahiga na. "matutulog nalang ako. di ako pwedeng mapuyat exam na bukas." sinubukan kong matulog pero hindi ako makatulog. ilang oras na ako paikot ikot sa kama pero di parin ako makatulog. "11pm na! bat di pa ko makatulog?!" inis na sabi ko "tama! yung sleeping pills na binigay sakin ni mich!" agad kong hinanap yung pills sa loob ng bag ko. binigyan kasi ako ni mich ng sleeping pills para daw kapag madami ako iniisip makakatulog parin ako. napakabait talaga ng bestfriend ko hehe. after few mins pagkainom ko ng pills, TINGNINGNING!! K.O!

"good morning world!!" sarap ng gising ko "good morning teddy family" hehe teddy family na tawag ko sa kanila. "bat di nagalarm tong oras na to?" sabi ko tapos tinignan ko yung orasan. "waahh!! 7:30 na!!" agad na akong nagpunta sa cr. naligo at nagayos within 10mins. nagmadali akong bumaba.

A Perfect SetupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon