chapter 3

1K 51 44
                                    

Emci's POV :

"San ba tayo pupunta?" Tanong ko noong nainip na ko sa byahe.

"Sa amusement park ng school. Ayoko kasi sa mall. Boring lang dun." Sagot nya ng di man lang ako tinitignan.

"May amusement park din dito?!" Grabe! Ano pa ba meron sa school na to na ikakaamaze ko?

"Hahaha." This time nakatingin na sya sakin. "You look so cute talaga lalo na kapag naaamaze ka." Saka nya kinurot yung pisngi ko.

"Aray!" Inalis ko ang kamay nya. "Ang sakit ah!" Tsaka ko hinimas-himas ang pisngi ko.

"Hahaha. Pout pa more." Tinawanan nya lang ako. "Malapit na tayo." Tsaka nya na lang ako nginitian.

Nakarating na din kami sa amusement park. "Wow! nandito na ata lahat ng alam kong rides!" Amaze na amaze parin ako.

"San mo unang gustong sumakay? Coaster?" Tanong nya.

"Nakakatakot kaya yun. Ayoko dun. Dun nalang tayo." Sabay turo ko dun sa ferris wheel. "Yun lang gusto kong sakyan sa mga rides eh."

"Kung yan lang sinasakyan mo. Edi wag na natin sakyan yan." Sabi nya habang nakatingin sa ferris wheel.

"Huh? E yan nga lang sinasakyan ko bat di pa tayo sasakay?" Takang tanong ko?

"Di ba nga ang dahilan talaga kung bakit kita inayang lumabas is for you to try new things?" Tapos hinila nya ako papunta dun sa roller coaster.

"Iihhh ayoko nga dyan."

"O san tayo sasakay? Basta ayoko sa ferris wheel."

"Dun nalang tayo sumakay." Tinuro ko yung malaking boat na ride. "Mukang di naman ganun nakakahilo eh. Parang swing lang."

"Sige tara."

Walang gaanong pila dahil mga student lang dito ang sumasakay.

"Are you ready?" Tanong nya nung nakasakay nakami.

"Oo." Tapos nag-umpisa ng nagswing yung boat. "Di naman pala nakakatakot to. Parang swi-- waaahh!!" Bigla ng bumilis yung pagswing ng boat.

"Hahaha kala ko di nakatakot?!" Sigaw nya dahil ang ingay na din sa mga sigawan.

"Waaahhh!! Haha di ako takot! Ang sarap nga sa pakiramdam eh! More! Woohhh!!"

Pagbaba namin tawa lang ako ng tawa. Pano ba naman may nasuka sa bandang harapan namin. Haha kadiri!

"So san na tayo nyan?" Tanong nya.

"Uhmm kaw bahala."

"Sa coaster na tayo tara." Hinila nya na naman ako papuntang coaster.

"Ihh.. Wag na dyan. Bat ba kanina mo pa gustong sumakay dyan?"

"Sabi mo akong bahala tapos ngayon ayaw mo. Favorite ride ko to eh. Hindi, dito tayo sasakay." Tapos hinila na nya ako pasakay.

"Enzo naman eh. Pag ako nasuka dito sayo ko ihaharap." Banta ko.

"Hahaha subukan mo para ihulog kita dyan. haha." Nako naman nananakot pa to eh.

"Ihh bababa nako."

"Its too late. Nandito na tayo, wala nang atrasan." Tapos hinawakan nya kamay ko. "Hawakan mo kamay ko kapag natatakot ka na. Hindi kita bibitawan." Kanina nga pinagbantaan nya kong ihuhulog eh.

A Perfect SetupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon