chapter 1

1.5K 55 51
                                    

Emci's POV:

Good morning world! Its my first day on college.

Inenroll ako ni Mama sa isang private school sa Pampanga, ang BACHELOR'S ACADEMY, kung saan lahat ng nag-aaral doon ay high profile. Stay in lahat ng students doon, kaya heto para akong naglalayas sa dami kong dalang gamit. Di na kailangan umuuwi ng mga student dun dahil pinapadala nalang ng mga parents nila ang mga allowance nila. So hindi ka talaga makakalabas. Para nga daw kaming preso doon kasi daw pwede lang bumisita ang parents namin every sunday at bawal kaming lumabas kahit weekend. Well para sakin ayos lang naman yun kasi sanay nakong wala ang mga parents ko, kasi naman lagi silang busy sa work nila. Lagi silang out of town.

Nga pala nakalimutan kong magpakilala sa inyo. Ako si Mary Cris Mendoza. Emci for short. 16 yrs old. And Im taking Bachelor of Science in Civil Engineering. Gusto ko kasi ako ang gumawa sa sarili kong bahay.

Right now, on the way pa kami ni Mama. Wala na naman si Papa. Nasa isang business trip na naman sya.

"Honey ingat ka dun ha." Paalala ni Mama.

"Opo. Nandun naman si Mich kaya nothing to worry." Si Mich ang bestfriend ko.

"Honey kapag sinasabi mong nothing to worry, dun ako nagwoworry."

"Mama, college nako. Tsaka kaya nyo nga ako inenroll sa school na yun para di ako makagala eh." Well ang school lang naman kasi na yun ay sadyang ginawa for parents who's so busy na hindi na nila mabantayan ng mabuti ang mga anak nila. Pero high quality naman ang education at mga professors. Doon din kasi naggraduate sina Mama at Papa.

"Honey when you see that place, di mo aakalaing school yun."

"Oo na po." Sagot ko na lang kasi ilang ulit ng sinabi ni Mama na hindi daw mukhang school yun.

FEW MINUTES LATER:

"Honey we're here."

"Eto yung school ma?" Ang laki ng gate at ang taas ng pader. Di mo matatanaw ang nasa likod ng pader. Pagpasok namin sa loob ang laki ng lounge. May front desk pa. Baka ito yung hotel kung saan ako mag-iistay. Di naman pala ganun kabongga dito. Makapagkwento si Mama wagas.

"Good morning ma'am." Bati nung isang babae sa front desk.

Binigay ni Mama yung isang envelope. Pagkatapos nilang tignan yung papers ko lumabas sa front desk yung lalaking kasama nya.

"Ms. Mendoza I'll assist you from here." Sabi nya at nagsmile sya sakin.

"Oh pano Honey. Iiwanan na kita dito. Mag-aral kang mabuti. I love you Honey. Ingat ka."

"Ingat ka din Ma. I love you too." Pagkatapos magpaalam ni mama umalis na sya.

"Dito po tayo Ms. Mendoza." kinuha nung lalaking nag-aassist sakin yun mga dala kong gamit. Dalawang trolly at isang backpack lang naman ang dala kong gamit hehe.

"Ok." Sabi ko tapos sumunod ako sa kanya.

May mga rooms akong nadadaanan pero office yun lahat. Tapos sa dulo ng hallway may malaking double door. Pagkabukas noon. I was shock! Grabe ang laki, ang laki-laki. parang isang town ang nasa likod ng mga pader. Ang gaganda ng tawin para akong magbabakasyon.

"Sis musta na?! I miss you!" Nagulat ako ng biglang may sumigaw malapit sakin mula sa likod.

"Sis ikaw pala yan! I miss you too." Nagkiss kami sabay hug. Tinext ko sya kanina na malapit nakami ni mama kaya ayan, inabangan na nya ako.

"Ah sige hatid mo nalang sa pad namin yung gamit nya kuya." Utos nya sa tour guide ko. "Ako nalang po sasamang maglibot sa bestfriend ko."

A Perfect SetupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon