Chapter 31

964 24 25
                                    

Emci's POV:

"Saan ba kasi tayo pupunta? Bakit kailangan may papiring-piring pa?" Na-iinis na tanong ko.

Kanina pa kasi kami bumabyahe at kanina pa din ako nakapiring kaya naiirita na ako. Ano ba kasi itong secret na to?!

"Sis sandali na lang. Malapit na tayo." Sabi ni Mich.

"Malapit? 20minutes ago malapit din ang sagot mo. Yung totoo, umaandar ba talaga tayo? Gaano pa kalayo yang malapit na yan?!" Inis na tanong ko.

"Promise malapit na. Mga 1hr na lang." Natatawang sagot nya.

"1hr?!" Gulat na tanong ko.

"De joke lang. Mga limang kanto na lang. 300kms kada kanto." Sagot nya.

"Bwisit! Bahala kayo! Ayoko na. Ibaba nyo na ako!" Sigaw ko tapos nagpupumiglas ako kaya hinawakan nila ako sa magkabilang braso at paa.

"Kumalma ka nga dyan. Masyado kang excited." Sabi ni Kim.

"Malapit na. Chill ka lang." Sabi naman ni Steff.

"Bwisit na malapit na yan!" Sabi ko.

Ilang sandali lang ay naramdaman ko ng himinto ang sasakyan namin.

"See? I told you malapit na." Pagmamalaki ni Mich.

"Hay naku. Tignan mo ang nangyari sa itsura mo? Nasira yung make up at nagusot yung damit mo." Sabi naman ni Kim tapos inayos yung mukha ko na hindi man lang inaalis yung blind fold ko.

"Aalisin ko muna blind fold ko tapos ayusin nyo na lang ako ulit." Sabi ko.

"Hindi! Kaya ka naming ayusan ng nakablind fold ka. Akala mo makakasilip ka ha." Sabi ni Steff.

"Hay! Gusot na gusot na talaga ang damit mo. Kunin mo nga yung paper bag sa tabi mo Steff." Sabi ni Kim. "Buti na lang talaga girl scout ako." Dagdag pa nya. "Hubad!"

"Ano?! Ayoko nga! Mamaya makita pa nila ang sexy kong katawan." Gulat na sabi ko tapos pinag-cross ko ang kamay ko sa may dibdib ko.

"Katawan lang sis. Walang sexy. Tignan mo may bilbil ka na oh." Pang-aasar sakin ni Mich.

"Hoy wala akong bilbil no!" Pagtatama ko.

"Dali na! Hubad na! Dami pang arte!" Sigaw ni Kim.

"No! Please wag po! Maawa kayo sakin!" Nagsisigaw ako habang pwersahan akong hinuhubaran ng tatlo.

"Hoy! Makasigaw ka kala mo naman nira-rape ka!" Bulyaw ni Steff.

"Wag kang OA! Tinted ang kotse!" Sigaw ni Kim.

"Tinted naman pala ang kotse bakit may blind fold pa ako?" Tanong ko.

"Seryoso sis? Oo tinted nga yung kotse, hindi tayo makikita mula sa labas pero makikita natin sila mula sa loob." Sabi ni Mich with a mocking tone.

"Sorry naman no. Nakalimutan ko eh." Inis na sabi ko.

After 30mins.

"Mas bagay mo pala yang damit na yan eh." Puri ni Kim.

"Ano bang pinasuot nyo sakin?" Takang tanong ko. Kasi hanggang ngayon nakapiring pa ako.

"A red sleeveless cocktail dress na above the knee." Sagot ni Kim.
"Kitang-kita yung shape mo dyan girl. Sexy!" Puri naman ni Steff.

"O sige na. Tama na ang bolahan. Bumaba na tayo at may naghihintay pa dito." Sabi naman ni Mich.

--

Enzo's POV:

"Bakit ba ang tagal ng mga yun?" Di mapakaling tanong ko.

"Bro relax. Yung mga girls yung sumundo sa kanya kaya for sure di makakatanggi si Emci." Sagot ni Mark.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Perfect SetupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon