chapter 2

1.1K 56 48
                                    

Emci's POV :

*knock knock

*knock knock

Nagising ako sa lakas ng katok sa pinto. "Sino ba yan?! Natutulog pa ang tao nangbubulahaw ka!" Sigaw ko na di parin bumabangon sa higaan ko.

*knock knock

"Hey sis gising na."

Napilitan akong bumangon dahil wala atang balak tumigil sa kakakatok ang babaeng to. Tinignan ko yung phone ko, 7am palang. "Bakit ba? Inaantok pa ko eh." Pagkatapos kong bukasan ang pinto ay nahiga na ulit ako sa kama.

"Di ba sabi mo tutulungan mo ko magshopping ulit? Kaya tumayo ka na dyan." Tsaka nya ako hinila patayo ulit ng higaan ko.

"Sis naman ehh!!" Nakakainis naman to.

"Bat kasi parang puyat na puyat ka?" Pano ba naman akong di mapupuyat, di ako nakatulog agad kasi nga gutom ako kagabi. Mga 4am nako nakatulog. Kainis kasi yung lalaking yun, di ako nakakain.

"Wala. Sige, labas ka na maliligo lang ako tapos susunod na ko sayo sa labas."

"Sige. Magbibihis na din ako."

Paglabas nya dumeretso na ko sa cr. Naligo, nagbihis, nagpulbos ng konti and I'm done. Lumabas na ko ng kwarto ko at pumunta sa kwarto ni Mich.

"Sis tapos kana?" Tanong ko.

"5mins sis."

"Ok hintayin nalang kita sa baba." Sabi ko.

"Sige."

Habang naghihintay ako, tinignan ko yung ref kung may makakain ako kasi kagabi pa talaga ako nagugutom. At ang laman ng ref ay tubig, may gatas, ayoko naman ng gatas dahil baka sumakit lang ang tyan ko. May stock ng beer, another stock ng beer at isa pang stock ng beer. Lasenggo ba mga tao dito? May stock naman ng pagkain dito kaso tinatamad ako magluto. Ayon may apple, pwede na to. Kinuha ko yun tapos umupo na ako sa couch sa living room.

After 30mins of waiting wala paring Mich na bumababa. Langyang 5mins na yan. Sana pala nag ayos na muna sya bago ako ginising. Tumayo nako para puntahan sana sya sa kwarto ng saktong may narinig akong bumaba.

"Hoy Mich! Ang tagal mo! Bilisan mo na nga dyan!" Sigaw ko. Nagulat ako ng hindi pala si mich yung bumaba.

"Hey miss! Ang ingay-ingay mo kaaga-aga! Hindi lang ikaw ang tao sa bahay na to! Serve some respect!" Galit na naiinis na sabi nya. Sya rin yung lalake kagabi.

Aray. Nagmuka na naman akong walang respeto. "Ay sorry kala ko si Mich. Pasensya na."

"Tss." sabay talikod sakin. May araw ka din sakin. Grr!!

"Oh let me ask your name again? Nakalimutan ko kasi. Para naman alam ko who's lurking inside my house." Tanong nya habang kumukuha ng something sa ref.

"Mary Cris, Emci for short." Sagot ko.

Yung gatas pala yung kinuha nya sa ref. Buti nalang at di gatas ang kinuha ko sa ref kanina, baka pati gatas isumbat sakin nito sabihin pa wala akong pambili.

"Miss Emci nagbreakfast ka na? Want some?" Alok nya sakin dun sa milk na hawak nya.

"Kung di kapa kumakain sabay ka na sakin. Magluluto ako ng breakfast." Aba anong trip nito? Bat biglang bumait, kanina lang ang sungit. At marunong sya magluto? Wow di lang pala puro pogi to. May silbi naman pala.

A Perfect SetupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon