Chapter 27

599 12 9
                                    

I want to say thankyousosomuch sa partner ko na super supportive sakin, at dahil ginawa nya ako ng teaser para sa story ko. Guys panoorin nyo po ang teaser ng story.

Hope you like the video made by my partner.

bEnG06bEnG partner salamat ulit.

PS: Bakit ganito ang wattpad ngayon? Nangangain ng tao. Di ko na alam pasikot-sikot. Nakakaligaw.

Enzo's POV:

"Putik Nicko wag kang maingay. Hindi ko na sila marinig." Bawal ni Gary kay Nicko.

"Tumigil nga kayong dalawa. Kapag narinig tayo ng mga yun sigurado lagot tayo." Bawal ko sa kanila.

"Langya ka Nicko. Kaya pala nagpasundo pa sakin si Mich noong gabing yun dahil nambababae ka na agad. Kung may balak kang saktan ang kapatid ko, tara suntukan na lang tayo sa labas oh." Hamon naman ni Mark kay Nicko. "Ang cheap pa ng tawagan nyo. Iisip ka na nga lang ng tawagan Cream-O pa naisip mo. Ang pangit." Dagdag pa nito.

"Kung makapanlait ka naman kala mo ang ganda ng tawagan nyo. Gummybear? Iww. Di bagay kay Steff, pero sayo bagay yun kasi mukha ka talagang oso." Ganti naman ni Nicko.

"Anong sabi mo?!" Hinigit ni Mark ang kwelyo ni Nicko.

"Ano ba?! Hindi ko na sila marinig sa sobrang ingay nyo!" Madiin na bulong ko tapos dinikit ko ulit yung tenga ko sa pintuan ng kwarto ni Mich.

Oo nandito kami ngayon sa harap ng kwarto ni Mich at kaming lahat nakadikit ang tenga sa pinto. Bakit namin ginagawa to? Wala lang. Curious lang kami kung paano napasagot ni Nicko si Mich. Ayaw kasi magkwento ng loko.

Teka wala na kong marinig na nagsasalita. Natutulog na ba sila?

"Aray!" Sabay sabay naming sigaw dahil biglang bumukas yung pinto kaya na pasubsob kaming lahat sa sahig.

"Anong ginagawa nyo dyan?!" Sigaw ni Mich.

Agad naman kaming tumayo at inayos ang sarili namin.

"Ahh.. Ehh.. Wala, sasabihin ko lang sana kay Kim na tumawag sina Mama at pinapakumusta sya. Sige alis na ko." Palusot ni Jeff at agad ng umalis. Ang mokong ang bilis makaisip ng palusot.

"Ako?" Tanong ni Gary ng tinignan sya ng masama ni Kim. "Nacurious lang ako kasi nakita ko silang tatlong nakadikit ang ulo sa pintuan kaya nakigaya lang ako. Sila talaga yung nakikinig sa inyo. Napasama lang ako." Palusot naman ni Gary.

"Teka bakit kami tinuro mo? Eh nandito lang naman ako para sunduin yung baby ko. Matutulog na kasi kami." Sabi ko tapos nginitian ko si Emci. Sya naman nakataas ang kilay na nakatingin sakin.

"E ikaw? Ano naman ang palusot mo?" Nakacross-arms na tanong ni Steff kay Mark.

"Syempre kailangan malaman ko ang buong detalye para kapag sinumbong ko sila kina Papa fully detailed. O sige alis na ko. Magchachat pa kami nina Mama sa skype." Sabi ni Mark tapos lumabas na.

"Kuya naman eh!" Sigaw ni Mich tapos sinundan sa labas si Mark.

"Kuya wag ka naman kj." Sabi ni Nicko at sumunod sa kanila.

"Hoy wag mo kong makuya kuya. Hindi kita kapatid!" Rinig namin na sigaw ni Mark.

"O sige, bayaw wag kang ganyan. Parang di kita kaibigan." Sabi ni Nicko.

"E ikaw? Hindi ka pa ba lalabas? Labas na. Matutulog na kami." Sita sakin ni Emci.

"E sanay na akong matulog katabi ka eh. Hindi na tuloy ako makatulog ng hindi ka kayakap." Sabi ko tapos nginitian ko pa sya ng malapad.

A Perfect SetupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon