MABIGO
Mas nais kong mabigo,
Ito'y ulap sa aking ulo.
Kaysa dalhin ang wagi,
Kahambugan lang lagi!MASAKTAN
Mas nais kong masaktan,
Sa dibdib aking tangan.
Kaysa hilom ang damhin
At pilat ay aanhin?KABABAAN
Nais ko'y kababaan,
Sa lupa'y humalik man.
Kaysa ang magmataas,
Biglang lagpak kaylakas!Buwan ng Marso
Tinajeros, Lungsod ng Malabon
BINABASA MO ANG
MGA TULA NG NAKARAAN
PoetryKOLEKSYON NG MGA TULA NA INILIMBAG NG NAKARAAN, AYON SA NATATANGING KARANASAN.