Binili sa tinderang bangketa
Nang lumuwas sa palengkeng bayan,
Isang kilo, turing niya'y singkuwenta.Binanlaw sa p'langganang panlaba
Nang masilay mga bungang luntian
Indak at lundag ay sumagana.Kinagat 'sang manibang piraso
Akala'y tamis, bigay ng katas
Pagdaka'y pakla sa dila't ngusoKinalog sa inasinang tabo
Animo'y toktok, hataw at kumpas
Dulot ay alat sa kanang bato."Hinog lahat," pangako ng ale
Walang duda, kaya nga binili.
Lambat ng salitang silo't, peke.Himok dahil nais gumarahe
Windang kotse'y intensiyong sinagi
Lambing ng ale, "Bili na, hane."Barangay Potrero
Lungsod ng Malabon
BINABASA MO ANG
MGA TULA NG NAKARAAN
PoesíaKOLEKSYON NG MGA TULA NA INILIMBAG NG NAKARAAN, AYON SA NATATANGING KARANASAN.