TALASALITAAN

4.2K 6 0
                                    

Ito po ay ginawa dahil sa pakiusap ng marami at kahilingan ng mga malugod na mambabasa.
Narito ang mga salitang may katumbas na kahulugan sa bawat isang tula.
Inaasahang mauunawaan na.

ANNIE
maiusal - masabi
kata - ikaw at ako
mahalina(ng) - mapang-akit, mapanghikayat
paghuhuntahan - pag-uusap
natalop - natanggal ang balat o takip
kumubkob - napaligiran; napalibutan; nasalikop
pamanhik - pakiusap
lubag - paghupa o pagbaba ng lakas, tindi, o bigat

GUSTO KITA
talulot - bawat isa o pilas ng bulaklak tila mga dahong tumutubo sa paligid ng ubod
galawgaw - malikot
nakapukaw - nakagising
palahaw - sigaw

SARANGGOLA
ipinangsirit - pulandit (pagtilapon nang bigla)
pukol - itsa, hagis
kaiwi - dala-dala, bitbit
gagawaran(g) - idudulot, ibibigay
amihan - hanging mula sa hilaga
kawangis - kamukha, katulad
sadlak - mapunta sa isang sawing kalagayan
lisya(ng) - mali; di-wasto: wala sa linya
Binusal - nilagyan ng takip ang bunganga upang hindi maibuka
panaghoy - mahabang taghoy (matinding pagtangis at pagdadalamhati)
rikit - ganda
rangya - pagiging labis na mapagmataas
Balakyot - tao na tuso at mapagbalatkayo: tao na walang isang salita

GITARA
kandungan - ibabaw ng magkadikit na hita ng nakaupo
hinagap - hinuha; palagay; akala: pag-iisip o pagpapahayag na di-tiyak na pananabik
iwa - hiwa
linang - magandang balat; pagpapaunlad sa kalagayan ng isang bagay o katangian
atubili - may alinlangan; urong-sulong; bantulot
inangkat - panindang hindi muna binayaran
humpay - paghinto

ILANG ULIT
timbulan - anumang makakapitan upang lumutang
pumukaw - gumising
tangan - hawak
pagsulak - kulo o pagkulo ng tubig

DATING RELASYON
malawig - matagal o mahabang panahon
balatkayo - pagkukunwari
liwaliw - paglalakbay upang malibang; pagpapahinga ng isipat katawan
limi - pag-iisip ng mabuti hinggil sa isang bagay o pangyayari
tigib - punong-puno; lipos

NAHILONG TALILONG
hinagkis - pinahiwatig; pinuna
talilong - isang uri ng isda na may kulaba
silay - tingin o pagtingin nang madalian
balong - binata
nakulob - natakip na mahigpit at nagkukulong sa init
nababagot - nayayamot; naiinip sa paghihintay
yumabong - lumago; dumami
pumaltik - pitik: igkas ng isang bagay na bininit (hatak ng tali upang umigting)

AWIT PARA KAY ARIANA
matimyas - pagiging tunay at dalisay ng pag-ibig, paggalang, o katapatan.
lugo(ng) - labis na panghihina
lumirip - nagsikap mabatid ang katotohanan
alimpuyo(ng) - uliuli ng tubig, hangin, o usok
Huwad - hindi tunay
Nakimi - naging mahinhin; naging mahiyain
silakbo(ng) - biglang pagkagalit
limpi(ng) - nagtipon-tipon
himok - iba't ibang paraan upang makuha ang pagsang-ayon, pagsunod, pagpanig, o paglahok ng isang tao o pangkat
pumisan - pagsama o paninirahan sa isang pook o isang tahanan
sinawata(ng) - pagbabawal o pagpigil
gawid - pigil

BULAKLAK NAGPATAK
nagpatak - nalaglag o nahulog (sa bokabularyong Batangeño)
nanlumo - nanlambot o nanghihina ng katawan
Nanaghili - nainggit o nagselos
yumagit - dumumi: [yagit] - dumi o basurang tinangay ng agos sa gilid ng ilog o kanal
inuri(ng) - itinangi ang katangian: [uri] - katangian ikinaiba ng isa sa isa
iapuhap - paghanap sa pamamagitan ng kamay
nakalap - natipon o nakolekta

SINGIL SA KAMBAL
yakag - yayain; magyaya
arukin - sukatin
arok - 1) pagsukat sa lalim ng tubig, gaya ng sa lalim ng ilog o dagat
sa pamamagitan ng paglubog ng sariling katawan o pansukat  2) pag-unawa
balong - binata
timbulan - anumang makakapitan upang lumutang
alumpihit - namimilipit; namamaluktot
hagkis - 1) hagupit  2) pansin; pahiwatig; puna  3) diin ng bigkas sa pantig  4) diin, empasis
liyat - sa kasangkapan na may talim, ang bungi o bingaw nito
bingaw - pingas sa kutsilyo
pumpon - kumpol, karaniwan ng bulaklak, bungangkahoy, dahon, at katulad
sinimsim - sinipsip sa pagtikim; ninamnam ang lasa
simsim - pagsipsip upang tikman; pagnamnam ng lasa

PATINTERO
nandambong - nagnakaw
di-kawasa - hindi inasahan
humahapay - kumikiling ng ayos
nasasaring - nagagambala
kawing-kawing - duktong-duktong
magkakamayaw - magkakagulo
Siniklut-siklot - paulit-ulit na paghagis at paglagpak ng isang bagay

ILAP
huntahan - mahabang usapan o daldalan ng grupo ng mga tao gaya ng magkakaibigan

OH, AKING IROG
tagunton - isang pangkat ng mga nakasulat o nakalimbag na pangungusap
bugay - [salitang Sebuhanon] bigay-kaya
gagami - sundan ang pag-uugali
pabilo [waray] - mitsa
paabong - mga salitang higit na nagpapapasidhi ng damdamin
siphayo - 1: pagtrato nang may pang-aalipusta at pang-aapi 2: pagkabigo sa layunin

SA MALAO'T-MADALI
tigib -punong-puno; lipos
suyo - [Tsi] pagpapaamo sa iba upang makuha ang anomang nais o gusto

ODA NG ISANG TAG-ARAW
Dumatal - dumating
Pakiwari - pansariling palagay
Sugid - sipag, sikap, o tiyaga sa gawain
balaraw - matulis na patalim na magkabilaan ang talim
hungkag - 1) malukong  2) walang-laman
alimpuyo - uliuli ng tubig, hangin, o usok

ANG ULAN
Inog - pag-ikot sa hindi nagbabagong puwesto
masugid - masipag, masikap, o matiyaga
Alo - 1) aliw para sa taong nalulungkot, nababagabag, o may suliranin
             aliw, libang
         2) paghimok o pagsuyo sa isang batang nagtatampo o nagmamaktol
         3) oyayi
patalastas - 1) anunsiyo; pahatid
                    2) tinig na paibaba mula sa isang nakatataas na katayuan, gaya ng sa tinig ng sermon at salawikain
lambak - 1) mababang kapatagang nasa pagitan ng dalawang mataas na pook o ng dalawang bundok
               2) kanal ng yerong pang-atip
disonate (ng) - 1) sintunado  2) magkasalungat
sumalimsim - salimsim - inspirasyon
panimdim - 1) anumang gumugulo sa isip; agam-agam, balisa
                    2) sama ng loob; hinanakit
                    3) lungkot; dalamhati
Umbay - 1) kasama; kaibigan
               2) malungkot na awit, karaniwang inaawit ng ulila o may kapansanan
oyayi - awit na pampatulog ng bata o sanggol
Humakab - hakab - mahigpit ang pagkakalapat; pitis na pitis
                   pitis - 1) hapit na hapit gaya ng kasuotan
                             2) punong-puno gaya ng sasakyang maraming pasahero
Malagihay - 1) alanganin  2) mamasa-masa, halumigmig
pupukaw - 1) paggising mula sa pagkakahimbing
                  2) pag-antig o pagpapagunita sa isang nakalilimot

MGA TULA NG NAKARAANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon