BULAKLAK NAGPATAK - Ikalawang Bahagi
I
Oh, aking sinta, ano 'yong ginawa?
Sa hardin nakaupo, may hinihintay.
Bakas ang kalumbayan sa 'yong mga mata,
Kumilos sa pagtataka ang 'yong kilay.Oh, aking sinta, siya ba'y nagmamahal sa 'yo?
Umaasang pag-ibig niya'y magbabalik.
Hintay pa, oras ay lumampas 'sang libo,
Pagdating, salubong ay yakap at halik.Oh, aking sinta, ano ang planong sadya?
Kasama siya sa pagbuo ng pangarap.
Sumpaang matibay hanggang kabila,
Likhang bagong daigdig sa hinaharap.Kubling pagsinta akin ngang nadarama,
Himok ng kalooban, makapiling ka.II
Oh, aking sinta, ano 'to 'yong nalikha?
Yaring damdami'y nais ng magpumiglas.
Ngunit sa tuwina kung kapiling mo siya,
Nasasaktan, paningin ko'y umiiwas.Oh, aking sinta, bakit di bigyang pansin?
Daan sa harap upang ika'y masilay.
Kinauupuang hardin 'wag lisanin,
Tatabi sa iyo saka mag-aalay.Oh, aking sinta, tatanggapin mo kaya?
Handog na pag-ibig ito'y walang maliw.
Susuyuin kita hanggang may hininga,
Bibigyang malawak, dakilang paggiliw.Lihim na damdamin, pilit itatago.
Maghintay lamang, pusong di balatkayo.Buwan ng Disyembre
Barangay Potrero,
Lungsod ng Malabon
BINABASA MO ANG
MGA TULA NG NAKARAAN
PoetryKOLEKSYON NG MGA TULA NA INILIMBAG NG NAKARAAN, AYON SA NATATANGING KARANASAN.