I
Mga bulaklak mapapansin sa hardin,
Maging mga talulot mapapansin din.
Kahit ang paglipad ng paru-paro rin,
Sadyang masusundan pa ito ng tingin.
Ngunit walang ibang mahalaga sa 'kin,
Sampu ng lahat mga balakin.
Kundi, sana nga kahit minsa'y palarin,
"Gusto kita." Ninanasang 'to'y sabihin.II
Maraming bagay sa ilalim ng araw,
Pati ibang bagay sa lupang ibabaw.
Kilos ng tubig sa bato ay galawgaw,
Hanging malakas tulak ng alingawngaw.
Awitan ng mga ibon nakapukaw,
Katulad ng binhi, uminat, sumungaw.
Kahilingan pa rin ng damdaming bughaw,
"Gusto kita." Iwiwika nang palahaw!Buwan ng Marso
Tinajeros,
Lungsod ng Malabon
BINABASA MO ANG
MGA TULA NG NAKARAAN
PoetryKOLEKSYON NG MGA TULA NA INILIMBAG NG NAKARAAN, AYON SA NATATANGING KARANASAN.