**mula sa estilo ni Dylan Thomas
I
Anong kinang bawat butil,
Nalalaglag mula sa itaas.
Anong kulay itong sutil?
Nananaig muli'y isang katas.II
Ang saya bawat dampi,
Yumayakap gayon sa 'king balat.
Anong suya itong lami,
Yumayabong lamang ngunit salat.III
Ito'y tubig, hugis bilog.
Pumapatak mula sa mabulak.
Ito'y lupig, anting bugbog.
Pumapatag muli sa malusak.IV
Ito'y kristal, pino't sutla.
Kumikinang lamang sa 'king pisngi.
Ito'y krokis, pikong likha.
Kumukulong gaya ng haligi.Buwan ng Hulyo
Barangay Potrero
Lungsod ng Malabon
BINABASA MO ANG
MGA TULA NG NAKARAAN
PoesíaKOLEKSYON NG MGA TULA NA INILIMBAG NG NAKARAAN, AYON SA NATATANGING KARANASAN.