I
Nagsawalang bahala sa mga pinakling pangako,
Bagkus inihusto ang ipinakitang kuwento.
Kaligayaha'y lumabis bagaman hindi nga ikinatuwa,
Sa halip kinabig ang malawig na salita.
Kinulayan pagwika't dahilan,
Burong pasakalye ay iniba.
Wastong alay dulot kapaitan,
Balatkayong halata sa t'wina.II
Patungong sampung sulok ng bawat parisukat,
Hanggang sa dulo ng buhol at bigkis nasugat.
Baka sakali't asam na maulit pang muli,
Ugong liwaliw, hilong umingay ngunit limi.
Mga itinanim, lumago man,
Tiwala'y itinuntong sa parang.
Pagdaka'y walang patutunguhan,
Gayon ma'y ikapupuwing lamang.III
Nang lumabis, kaligayahang ipinadama,
Pagtinging dalisay, ilubos ay 'di kaya.
Kahit linangin sa pagsuyo at pag-alayan,
Malayong luminaw yaring bagong unawaan.
Isumpa man sa apuyang dibdib,
Man 'di'y iniluha sa dambana.
Katotohanang pumukaw, tigib,
Landasin ay magkaibayo na.Buwan ng Hulyo
Barangay Potrero,
Lungsod ng Malabon
BINABASA MO ANG
MGA TULA NG NAKARAAN
PoetryKOLEKSYON NG MGA TULA NA INILIMBAG NG NAKARAAN, AYON SA NATATANGING KARANASAN.