TALA NG MAY AKDA

655 5 1
                                    


Para sa lahat ng masugid na mambabasa,

          Una ay nagpapasalamat po ako sa inyong pagbibigay ng sapat na panahon upang masilip ang mga tulang ito at sa paggugol ng kaunting oras upang mabatid ang nilalaman ng bawat tula. Bagaman, hindi payak ang ibang mga salita na ginamit, ay sinisikap ko pa ring maiparating sa inyo ang lalo pang kaaya-ayang mga wikang kumukumbinasyon sa pagbuo ng isang saknong at hanggang maging tula.

          Kung ang bawat tula na inyong nababasa rito ay may kalaliman, kung gayon, ang ibig lamang sabihin ay pumapasa ang mga ito sa intensiyon ng paglikha ng tula—may kalaliman nga. Hindi upang libakin ang kakayahan ng mambabasa kundi upang magkaroon ng isipin at alamin ang tunay na ipinapahayag ng bawat tula.

          Hindi naman nangangahulugang ako po ay mahusay o isang bihasa na salarangang ito. Mali po. Kahit kailan ay hindi po ako naglalagay sa aking balikat ng anumang kapurihan at hindi naglalagay ng sariling ulo ng putong ng karunungan—kundi ako po ay isang munti at pangkaraniwang manunula.


          Ang isa sa paborito ko sa koleksiyong ito ay ang ANNIE, kaya ito ang nauna sa listahan. Ang lahat ng nakasulat rito ay totoo at walang halong biro.

          Lumikha ako ng isang uri ng tula na para sa kanya lamang.


Ang TALASALITAAN ay makikita sa susunod na pahina.


Kung mayroon mang katanungan o kakaibang komento patungkol sa alinmang tula na nakapaskil sa koleksiyong ito ay mangyaring isulat lamang sa ibaba at aking tutugunan sa agaran.






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MGA TULA NG NAKARAANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon