NAHILONG TALILONG

371 30 12
                                    


I

Dahil sa ngiting hinagkis,
Nahilong talilong.
Silay sa 'yo'y 'di maalis,
Ako ang 'yong balong.

Nahilong talilong,
Pinalapit sa 'yong harap.
Ako ang 'yong balong,
Titigan nati'y 'lang kurap.

Pinalapit sa 'yong harap,
Ihahayag aking loob.
Titigan nati'y 'lang kurap,
Ngunit tinig ko'y nakulob.

Ihahayag aking loob,
Susuyuin kitang tunay.
Ngunit tinig ko'y nakulob,
Damhin ngayo'y lantang gulay.


II

Paningi'y umikut-ikot,
Nahilong talilong.
Naiinis, nababagot,
Bituin yumabong.

Nahilong talilong,
Labi mo sa 'ki'y lumapat.
Bituin yumabong,
Akalain ko'y 'di masukat.

Labi sa 'ki'y lumapat,
S'yang tamis ng halik.
Akalain ko'y 'di masukat,
'Tong puso'y pumaltik.

S'yang tamis ng halik,
Nag-iwang bakas sa bibig.
'Tong puso'y pumaltik,
Dahilan kita'y kinabig.



Buwan ng Mayo
Barangay Tinajeros,
Lungsod ng Malabon


MGA TULA NG NAKARAANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon