Para kaming naglalaro nito,
Sa aking sakripisyo,
Ako ang sumusuyo,
Lugi ma'y waring nanalo.
Sa iyo sa unahan ng aking listahan,
Hanggang kaligayahan ay tumahan.I
Harang-harang, ilang dipa ipangharang,
Palagi ng mayro'ng rason ipanghadlang.
Kaliwa't kanan bantay pati paanan,
Mayapak sa linya, inantabayanan.Kulang-kulang, liksi't bagal nagkukulang,
Sablay sa kupad kung tumakbo'y pasemplang.
Urong-sulong balaki'y bagot sinumpong,
Saka kumaripas, wari ba'y nandambong.II
Para-para, pambata 'tong di-kawasa,
Kapagura'y walang tigil, kumakasa.
Humigi't kumulang laging humahapay,
Tantiyahin ma'y nasasaring, sumasablay.Kuhang-kuha, bawa't naisi'y makuha,
Hakbang muna sasagi't mahihinuha.
Suka't akalain, dili nga'y hinele,
Hilang kuba, talon sa linya'y umere.III
Kalung-kalong, kabang dibdib kinakalong,
Inimpit na loob, nabahalang balong
Taas-baba, hapong pulso't kumakaba,
Kapag nahuli'y patulak, patumba.Dahan-dahan, yabag sukdulang marahan,
Pagyapak sa guhit sadyang inilaan.
Tulak-kabigin, alanganing isipin,
Hinakbang sa look, ginawang alipin.IV
Kawing-kawing, patintero'y kumakawing,
Mabuhangin, mahangin, nakapupuwing.
Tag-araw ma'y tatakbuhing palahaw,
Mapaso, mainitan, magkakamayaw.Siniklut-siklot, pahapyaw nasiklot,
Madulas, malamig, kumikislot.
Tag-ulan ma'y kaligayahang kapantay,
Ginawin, sipunin, laban walang humpay.V
Halu-halo, kalituhang humahalo,
Pagharang, sampung balakid, naliliyo.
Atras-abante, patuna'y 'di matuod,
Huwag lamang sa pagtawid, 'di matisod.Iba't-iba, grado ng pagkakaiba,
Kinimkim, mapusok, nais umariba.
Suntok sa buwan, sapilitang ibulaan,
Saloobin, iwinaglit sa kawalan.Buwan ng Nobyembre
Lungsod ng Doha,
Bansang Qatar
BINABASA MO ANG
MGA TULA NG NAKARAAN
PoezieKOLEKSYON NG MGA TULA NA INILIMBAG NG NAKARAAN, AYON SA NATATANGING KARANASAN.