I
Buong gabi dumating bigla ang ingay,
Bumuhos sa tahimik nitong paligid.
Itong malamig na ulan na kayhusay,
Inog paibaba, mga hiblang masugid.Ano sa akin na dapat maalala?
Alo sa alinmang biglang patalastas.
Upang ipihit ang gunitang akala,
Unos bumagsak, sa isipa'y bumaklas.Kung ika'y akin, sariling akin,
Kundi manatili, paglaya'y iliban.
Humiwalay sa 'king dibdib, bitbit anggi,
Humaling sa iba, huwag mong ayunan.Maging gaya ng ulan na may pagkulog,
Muling akala ng bundok at 'sang lambak.
Sumilip sa kakahuyan at nahulog,
Sumikip ang kalooban at lumagpak!II
Bubong kumalampag, himbing ginambala,
Bumbuna'y salo ang disonanteng tunog.
Iling ang tugon sa ulan na bumaba,
Ikot ng hangin sa tatsulukang hubog.Ano sa akin 'to upang sumalimsim?
Apoy sa budhi at poot na kaylamig.
Umusbong na ligaya, walang panimdim,
Umbay na oyayi, musikang kay-ibig.Kung ika'y akin, yakap mo'y makamit,
Kubling oras, sinamantalang panahon.
Humakab ang palad hanggang kumapit,
Humabing bawat patak, damdam umalon.Muling hihilingin, dampian kalooban.
Malagihay mang haplos, bunyi'y aapaw.
Salinsinang luha't patak ng tubigan,
Sasaklolong bulong, isipa'y pupukaw.Buwqn ng Mayo
Bgy. Potrero
Lunsod ng Malabon
BINABASA MO ANG
MGA TULA NG NAKARAAN
PoetryKOLEKSYON NG MGA TULA NA INILIMBAG NG NAKARAAN, AYON SA NATATANGING KARANASAN.