ILANG ULIT

519 36 14
                                    

                              I

Ilang ulit ba umiikot ang mundo
Sa isang panahon nang mahilo?
Ilang ulit ba humahataw ang oras
Sa pagkakataon nang ipiglas?
Ilang ulit ba tumatakas ang litid
Sa kahinaan upang mabatid?
Ilang ulit pa bang sasabihin ito
Upang maintindihan ang lahat?

                              II

Ilang ulit ba ang patak ng tag-ulan
Sa init ng pisngi na timbulan?
Ilang ulit ba ang hapdi ng tag-araw
Sa lamig ng dibdib na pumukaw?
Ilang ulit ba ang ginaw ng tag-lamig
Sa nipis ng sugat ay nalupig?
Ilang ulit pa bang mararamdaman ito
Upang maunawaan ang lahat?

                               III

Ilang ulit ba tumutugis ang taga
Sa budhing sumusugat ng gunita?
Ilang ulit ba bumubulyaw ang tangan
Sa nilimbag na dibdib at laman?
Ilang ulit ba tumitiyempo ang pitik
Sa pagsulak ng dugong tumalsik?
Ilang ulit pa bang isusulat ito
Upang malimutan ang lahat?



Buwan ng Hulyo
Barangay Potrero,
Lungsod ng Malabon

MGA TULA NG NAKARAANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon