AWIT PARA KAY ARIANA

348 10 5
                                    


I
Palagay ko, salita'y iyong narinig,
Pahayag, 'binulong sa hangin ang tinig.
Ikinubling bagay 'di sadyang nalaman,
Ikinimkim, lantad na damdaming laman.

Akala'y matimyas, sobrang romantiko,
Animo'y lugong ulo, nahilong loko.
Lakaring kay kupad, pagong sa panahon.
Lamyang paghimpil, pagkilos s'yang umayon.

II
Katotohana'y tanggap, sukdulang hayag.
Kinumpuning wika, bitin ma'y naglayag.
Marapating ipilit, asa'y pakinggan.
Matantong saglit, takdang oras handugan.

Tinulara't kinulayang panaginip,
Tinakbo't sinakyang hangi'y lumilirip.
Hindi sumang-ayon, alimpuyong bigay,
Huwad, kaisipa't sariling palagay.

III
Subali't nariyan ka, laging nasa tabi.
Samakatwid, abot-tingin kong parati.
Damdami'y ginising sa mahabang tulog.
Dinilat sa karimla't silakbong hamog.

Pahintulot, ngiting malibreng abiyo.
Parisukat, sisidlang kawaksing pulo.
Indayog, nagkusa't hinuhang mahika.
Inakong kapangyarihan ay sumigwa.

IV
Huwag mangamba, iwaksi mag-alala.
Hindi babaguhin, iniwang gunita.
Walang lalaktawin, anumang anggulo.
Waring nahilo, sarili'y nanibago.

Nalito, tuwing pangalan mo'y banggitin,
Nakimi, tuwing mukha mo'y sisilayin.
Kakayaning matugon, limping pagsubok.
Kalabisang hiling, ibayong paghimok.

V
Tumigil na'ng ulang, lumipas na'ng unos.
Tingnan na'ng araw at makulay na'ng lubos.
Hakain, panahon 'yong takdang paglisan.
Habilin, bahagi mo, puso'y pumisan.

Aminin ma'y balisang isip, hantungan.
Amukin ma'y hilawing samo, pigilan.
Yumanig, pasyang nabalutang paligid.
Yumabong, pag-ibig, sinawatang gawid.

Buwan ng Oktubre, 2015
Lungsod ng Doha,
Bansang Qatar

MGA TULA NG NAKARAANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon