I
Luminga, nakita, sinimulang sundan.
Bawat paghakbang lubusang pag-iingat.
Malaglag dili, bulaklak kong tangan.Kaba ko'y sumilang, pulso ri'y umangat,
Nadatnang gumigiliw siya sa binata!
Damdami'y nanlumo, kirot ay kumagat.Nanaghiling dama, suyuang nakita,
Kayamana'y yumagit hindi inalay.
Niwalang halaga inuring pagsinta.Paano maiahon pusong humimlay?
Nawalang pag-asa, saan iapuhap?
Kabaliwa'y itigil, hampas lumatay!Bulaklak nagpatak sa lupa'y nakalap,
Tubig, bumuhos at mga ilaw umandap.II
Lumipas, dumaan marami pang buwan,
Bigong damdamin, kalooba'y nagsugat.
Matuwid, balakin na ako'y lumisan!Kubliang sulok, kapalara'y nasumbat.
Nakitang kagiliw may asawa pala!
Dinagukang timpi, natanto at gulat.Napikang isipan, sitwasyong bulagta.
Karampatang usad, yakag, planong pilay.
Niyanig, paningin, kalabisang suka!Unawang pilipit, saan nawalay?
Nilisang giliw, bakit tugo'y nalaplap?
Kandungan niya sana, bisig di'y alay.Bulaklak nagpatak do'n sa hangi't ulap,
Tubig, bumuhos, sinag-araw umilap.Buwan ng Nobyembre
Barangay Potrero,
Lungsod ng Malabon
BINABASA MO ANG
MGA TULA NG NAKARAAN
PoetryKOLEKSYON NG MGA TULA NA INILIMBAG NG NAKARAAN, AYON SA NATATANGING KARANASAN.