I
Ilang libong tula, singil sa maraming kulang.
Di sapat dami ng saknong,
Tulak ng bibig at bulong.
Said, handog ng titik pinipilit mapunan.Pinigang labis, yakag sa talim ng isipan.
Hanggang arukin ang balong,
Taludtod na magkapatong.
Bawat tagpong salita hanap yaring timbulan.Sinuring baybay, alumpihit sa pagbiliang.
Tanda at linya sa ugong,
Inayos saka kinalong.
Sumabay sa alon, sumayaw, indak ng hibang.II
Hablot sa namalas, pakli sa gintong inurian.
Tintang banayad inampon,
Guhitang sugat naipon.
Bagong hagkis, kinulayan sa dating hasaan.Kislap nitong liyat, dulo'y tinangkang hawakan.
Pilit hilahin ang pumpon,
Bakanteng tili'y hinamon.
Pintas na hanging hinigop mula sa pagliban.Kabig ng dibdib, sinimsim bawat dinapuan.
Tapyas sa tubig ng talon,
Malamyang lagpak ng ambon.
Sinahod mga butil, s'yang pag-aliw ng ulan.Buwan ng Pebrero, 2015
Lungsod ng Doha,
Bansang Qatar
BINABASA MO ANG
MGA TULA NG NAKARAAN
PoetryKOLEKSYON NG MGA TULA NA INILIMBAG NG NAKARAAN, AYON SA NATATANGING KARANASAN.