Kay hirap pigilin itong aking puso,
Hindi matantiya pagdating ng pag-ibig.
Ayaw ko mang may masaktang ibang dibdib,
Subalit ikaw ang ibig kong kasuyo.Sa aking damdamin, ito'y hindi bago,
Na pagsinta, kung hintayin tiyak kabig.
Hayaang buhay gumulong, kamti'y tigib.
Yaon lamang magagawa sa pagtanto.Sa malao't-madali, walang pipigil,
Hirap ma't ginhawa tayo'y magtatagal.
Balang-araw, panaho'y panig natin.
Sa pagmamadali 'di dapat manggigil,
May dusa sa pagkapit, 'di magtatagal,
Asahang laging bago suyuan natin.Buwan ng Agosto, 2017
Binangonan, Rizal
BINABASA MO ANG
MGA TULA NG NAKARAAN
PoetryKOLEKSYON NG MGA TULA NA INILIMBAG NG NAKARAAN, AYON SA NATATANGING KARANASAN.