Chapter XIX

32 1 0
                                    

Chapter XIX

Trust.

The days went very swiftly. It was just two days till I took the admission exam for the university I was going to. Two weeks na rin mula noong nakauwi kami dito sa mansion galing Vigan. Lagi kong nakakausap sa video call si Nana. Nangangamusta at nangungulit pa rin sa apo. Napapangiwi nalang ako tuwing nababanggit niya ang tungkol doon. Noong isang gabi nga eh kaming dalawa ni Zane ang kausap niya.

"Kumusta na kayo?" tanong niya sa amin, abot tenga ang ngiti niya.

"Okay naman po, Nana..." sagot ko na nakangiti rin.

"Alam ko na nakukulitan na kayo sa akin pero sana bago ako mawala sa mundong ito, I'm hoping to be able to see and touch my grandkids." Naging malungkot ang boses niya na mas lalong nakapagpaguilty sa akin. Tinignan ako ni Zane at mabilis naman akong nag-iwas ng tingin sa kaniya.

He cleared his throat. "Nana, we'll get there eventually."

Minsan talaga ginugulat ako ng mokong na 'to! Sinabihan ko na siya na huwag nang paasahin pa si Nana. Alam ko naman na hindi niya pweding sabihin ang set up talaga naming pero mas lalo niyang masasaktan si Nana sa mga sinasabi niya. Pwedi naman niyang sabihin na hindi pa siya ready na maging tatay o magkaroon ng pamilya diba? Hindi naman din iyon ang gusto niya.

Noong gabi rin na iyon ay nagtalo nanaman kami. Lagi nalang.

"Dapat kasi hindi mo na siya sinasabihan ng mga ganoon. Syempre umaasa siya!" saad ko sa mahinahong boses kahit sasabog na ako sa inis sa kaniya.

"I'm simply waiting for the proper moment to tell her about our situation." Saad niya habang may kung anong kinakalikot sa cellphone niya at tumayo para pumunta ng veranda. May kausap na siya ngayon. Sinundan ko lang siya ng tingin kahit gustong gusto ko na siyang bugahan sa inis ko.

Hanggang sa masanay na ako sa mga excuses niya kay Nana, nakikisabay nalang para wala ng pag-uusapan. Siya rin naman sasalo nito kapag nabuking na siya ni Nana.

Sa ngayon ay naghahanda na ako para sa entrance exam ko sa June 30. Sana ay makapasa na ako para makapasok na ako at makapag-aral. Napili ko ang AB Mass Communication na course. Wala pa kasi akong idea sa mga courses kaya nagsearch ako ng connected sa strand ko noong senior high school which is HUMSS. Nagbasa ako at interesting ang AB Mass Communication.

Excited at kinakabahan ako sa mga nangyayari ngayon. Siguro pwedi naman akong maging working student para makapag-ipon. Hindi ko nalang sasabihin kay Zane.

Napaisip ako bigla na imposible dahil paniguradong bantay sarado ako kay Bert. Napabuntong hininga nalang ako at nagdesisyon na magrelax at bumaba para pumunta sa garden. Bert and James were putting up a hammock under a large tree in the garden when I saw them. Napangiti ako dahil pwedi akong matulog dito. Its three o'clock in the afternoon, and it's not too hot, so I can sleep soundly in the hammock they've set up.

Nginitian ko si Bert at James noong natapos sila at umalis. Nagpaalam sila sa akin at ako naman na excited na ay hindi na naghintay pa ng pagkakataon para masakyan ang duyan.

"Hay..." medyo tumatama pa ang sinag ng araw sa akin pero hindi na masyadong masakit sa balat at mata. Lumakas ang hangin at napapikit ako. Ilang minuto lang ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

The birds' chirping was so soothing to my ears. The leaves of the large tree where I was located were being blown by the wind. The cool, fresh air of the afternoon lapping at my skin. The days that annoyed me... Naipon para mabigyan ako ng rest day... at ngayon iyon, dito sa duyan na ito...

Hindi ko na nga namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako nang may humahaplos sa buhok ko. Pagdilat ko ay nakita ko ang maamong mukha ni Zane sa akin. Nginitian niya agad ako at anoon rin ang ginawa ko. Nakahiga pa ako sa duyan habang siya ay nakaupo, hindi kaya siya nangangalay sa puwesto niya?

Make You Mine (ON GOING | R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon