Chapter XXII
Type.
"Manang, ako na po."
Nasa kusina kami ni Manang at nagluluto para sa dinner. Ayaw niya man magpatulong pero nangulit pa rin ako. Kinuha ko ang kutsilyo na hawak niya at hiniwa na ang karne para sa lulutuin namin. Si Zane ay nasa study at may mga ginagawa pang trabaho. Ala sais pa lang naman ng gabi. Kanina na pag-usapan na namin ang nangyari sa shop.
Sabi niya ay nagseselos daw ako, ang kapal niya, ah! Hindi naman ako nagseselos.
Hindi nga ba?
Hindi nga!
Okay...
May pa "you're my one and only" pa siya, anong ibig sabihin niya sa sinabi niya na iyon? Gusto ba niya ako? Mahal ba niya ako?
Inirapan ko lang siya sa sinabi niya na iyon. Nakita ko naman na ngumisi siya. Nababaliw na talaga siya.
Hindi ko naman maipagkakaila na may epekto siya sa akin. Hindi ko alam kung anong naramdaman ko noong sinabi niya iyon. Parang may something na humawak sa puso ko. Hindi ko nalang ipinaramdam sa kaniya na may epekto nga siya sa akin.
Lumabas ako sa kwarto pagtapos noon. Sinundan niya ako pero hindi ko siya pinansin.
"Hey..." aniya, nasa likuran ko siya. Umupo ako sa duyan na nasa garden.
"You're not really going to talk to me, Callixta?" nasa harapan ko na siya ngayon at naka pameywang na. Pinaglaruan ko nalang ang mga daliri ko dahil wala nga akong planong kausapin siya.
Hindi ko na rin alam kung bakit ayaw ko nga siyang kausapin. Hindi ko alam! Litong lito na ako sa kung anong nararamdaman ko. Ang sabi ko ay hindi ako nagseselos pero paano kung nagseselos na pala talaga ako?!
Hindi pwedi iyon. Hindi ko siya pweding mahalin. Hindi ko siya pweding magustuhan. Ayaw ko ng masaktan! Buong buhay ko na ata nasasaktan na ako.
Ang hirap kasi na isa lang ang nagmamahal sa inyong dalawa, sinasaktan ko lang naman ang sarili ko so bakit pa ako aasa? Wala naman akong aasahan, wala naman kasiguraduhan Mahirap na lalo na sa panahon ngayon, aasa lang sa wala.
Naibalik lang ako sa reyalidad nang yugyugin ako nang maigi ni Manang.
"Calli, okay ka lang ba?" may pag-aalala sa tono niya. Napangiwi nalang ako doon at itinuloy na ang paghiwa sa mga sangkap.
'Alam mo ba iyang si Zane, ngayon lang talaga nagpatira ng babae dito sa mansion. Kahit nga ang bunso niyang kapatid na babae ay hindi niya pinapatira dito." Biglang napa-kwneto si Manang habang nakatalikod siya sa akin dahil busy siya sa paghalo ng kanyang niluluto.
Napatigil namana ako sa ginagawa ko dahil nagulat na may kapatid pala si Zane. Hindi niya nasabi sa akin iyon.
Bakit naman niya sasabihin iyon sa akin!? Hindi na niya kailangan sabihin iyon sa iyo, Calli. Sino ka ba sa kaniya para pagsabihan niya ng mga ganitong bagay?
"May kapatid po pala siya?" wala sa sarili kong tanong.
Natawa si Manang at lumapit sa akin. Kinuha niya na ang karne na kanina ko pa pala natapos, hindi ko man lang napansin.
"Oo, may kapatid siya. Isang babae, ang bunso nila at isang half-brother, kapatid sa tatay. Hindi ba niya nabanggit sa iyo? Si Zane talaga!" naka-ngisi siyang bumalik sa pwesto niya kanina para ituloy na ang pagluluto.
May dalawang kapatid pala siya. Hindi ko naman siya tinanong tungkol sa personal na buhay niya at hindi rin siya pala-kwento.
Anong klase kaya siyang anak? Anong klase siyang kapatid sa mga kapatid? Masungit rin siguro. Ayaw niya nga raw na patirahin ditto ang babaeng kapatid niya eh. Kapatid na niya iyon, ah!
"Nasaan na po ang mga kapatid niya, Manang?
Hindi ko na matiis na hindi pa magtanong kaya tinanong ko na. Hindi ko naman pweding kay Zane ko mismo itanong, baka kung ano pa ang isipin niya.
"Si Samira nasa Italy, kasama ang mommy nila. Nag-aaral pa siya roon, baka magka-edad pa kayo nu'n. Ang isa naman, si Aquill, kasama ng kaniyang ina at sa pagkakaalam ko isa siyang photographer."
Tumango ako.
"Tanggap po ba sa pamilya nila si... A-Aquill?" ayoko na magtanong pa pero hindi ako makakatulog hangga't hindi nasasagot ang mga katanungan ko.
"Naiintindihan ko naman ang galit ni Farah, ang nanay nila Zane, nasaktan siya kaya mahirap sa kaniya na matanggap kaagad si Aquill. Si Zane naman ay maayos ang tungo niya kay Aquill, ganoon rin si Samira."
"Ang d-daddy po nila, nasaan na po?"
"Naku! Matagal - "
"Manang! Callixta!" hindi na natapos ni Manang ang sagot niya nang narinig ko ang galit sa boses ni Zane.
Natahimik si Manang at nagpaalam na para magluto ulit. Nagpa-sorry ako sa kaniya at nginitian lang niya ako.
"What are you doing here? I have been looking for you." Saad niya na ngayon sa mahinahon na boses.
Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya dahil ayaw ko na magtama ang mga mata namin.
"Tumulong sa pagluluto kay Manang." Simple kong sagot.
"What did Manang say to you? Ano bang pinag-uusapan niyo?"
Nasa sala na kami ngayon, umupo ako sa mahabang sofa at siya naman at umupo sa katabing pang-isahang sofa.
Sasabihin ko baa ng napag-usapan namin ni Manang? Tungkol lang naman sa mga kapatid niya, hindi naman nasagot ni Manan gang tanong ko tungkol sa Daddy niya.
"Wala lang, tungkol lang sa pamilya niya at sa... sa pamilya ni Bert."
Iyon ang naisip ko dahil baka magalit siya kay Manang. Sa boses palang niya kanina ay alam ko na galit siya. Alam ko naman na sobrang private niyang tao, ayaw niyang pinag-uusapan ang pamilya niya, alam ko iyon dahil hindi nga niya nabanggit na may mga kapatid siya.
Nagdahilan nalang ako na pamilya ni Bert ang pinag-uusapan namin kanina para na rin hindi na siya magalit kay Manang.
Kumunot naman ang noo niya.
"What was it about Bert that drew your attention? Why did you asked Manang about him? Do... do you like him?" naningkit ang mga mata niya, tila ba tinitignan ang magiging reaksyon ko.
Natawa ako! Tawang tawa! Nakita ko ang pagkagulat niya sa reaksyon ko.
"Baliw ka ba? Nagtanong lang, gusto ko na agad? Hindi ko siya type no!" sagot ko sa kaniya, my arms are crossed in front of my chest.
Bumuntong hininga siya at umupo siya sa tabi ko. Nakaupo lang siya sa gilid ko.
"So, what kind of man are you attracted to?"
Ako naman ata ang nagulat sa tanong niya. Napatingin tuloy ako sa kaniya pero mabilis siyang nag-iwas ng tingin.
"Tinatanong mo talaga ako niyan?!" inis na tanong ko sa kaniya.
"Why not? I mean - "
"Type kong lalake? Kahit sino, except you!" hindi ko na siya pinatapos pa at hindi ko na rin pa hinitay ang sagot niya sa akin ay nagmartsa na ako paakyat ng kwarto ko.
That's enough for today! Hindi ko alam kung dahil ba sa pagdabog at mabilis na pag-akyat ko ditto sa kwarto kaya ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang bilis na para akong hinahabol ng monster.
Hindi magandang sign ito.
BINABASA MO ANG
Make You Mine (ON GOING | R18)
RomanceDELA ROSSI #1. WARNING: SPG | MATURE CONTENT | R-18 This story contains mature themes and strong language. Read at your own risk. Love. Vengeance. Pain. They said that we all deserve second chances. When she met him, everything has changed. A rough...