Chapter I

312 8 0
                                    

Hi! Nag-edit at nag-add ako sa part na to. Thank you for supporting this story kahit na matagal siyang nawala. All my love x

Chapter I

Dahilan.

"Saan niyo ba ako dadalhin?" tanong ko sa dalawang lalaking hindi ko naman kilala. Sabi nila kanina binili na daw ako ng amo nila.

Hindi sila sumagot sa tanong ko, tahimik lang sila na nakaupo sa harapan ko at ang isa naman ay nagdadrive. Para na akong bata sa kakaiyak, iniisip lahat ng nangyayaring kamalasan sa buhay ko. Narinig ko nanaman ang sinabi ni Auntie sa akin bago ako napunta sa sitwasyon na ito.

"Estupida! Wala ka talagang kwenta! Manang mana ka sa tatay mo! Wala ka rin naman natutulong dito, para mapakinabangan ka man lang, dadalhin kita do'n! Letse!"

Nagagalit ako! Nagagalit ako sa lahat! Si Auntie nalang ang pamilya ko at hindi ko akalain na aabot kami sa ganito. Para lang akong bagay na ipinamigay niya. Mali. Ibinenta pala. Napansin ko na pumasok kami sa isang malaking gate, bumungad sa akin ang isang malaking bahay. Nasa loob palang ng sasakyan ay nanliliit na ako sa laki ng bahay.

"Nasaan na tayo?" tanong ko ulit sa dalawa ng ibaba nila ako sa sasakyan, hindi ulit ako pinansin. Hinayaan nila akong maglakad ng mag-isa, pero nasa likuran ko pa rin sila at nakasunod sa bawat galaw ko.

"Pumasok na kayo sa loob,"

Pumasok naman ako, namangha ako sa laki ng bahay. Maraming muwebles at mukhang antigo pa ang iba. Makaagaw-pansin din ang chandelier na nakalagay sa taas. Dahil sa pagkakamangha, natigilan ako sa paglalakad. Hindi ko tuloy napansin na nasa harapan ko na 'yong isang lalaki.

"Hinihintay na po kayo sa loob ni Mr. Dela Rossi."

Dela Rossi? Pamilyar sa akin ang last name pero hindi ko alam kung saan ko narinig. Sumunod ako sa lalaki at umakyat sa pangalawang palapag. Napaka arte naman ng hagdan na ito, may pa design pa na hindi ko alam sa bawat step. Nang makarating na sa tamang kwarto, pinagbuksan nila ako ng pinto at pinapasok. Nagdadalawang-isip ako kung papasok ba talaga o hindi at tumakbo nalang sa mala-palasyong lugar na ito.

"Pasok na," saad nung isa.

Napatingin tuloy ako sa kaniya at kumunot pa ang noo kong nagtanong...

"Safe ba ako sa loob?"

Nagulat siya sa tanong ko pero tumango pa rin siya. Pumasok na ako sa loob. Wala naman nakakagulat na nagpakita sa akin, multo o kung ano. Napansin ko kaagad ang isang lamesa do'n. Iyong pang-opisina at may swivel chair din. Pero walang tao?

"Anong gagawin ko dito? Wala namang tao." bulong ko sa sarili ko.

"Callixta Duayne Villega..."

Napatalon ako sa lalaking nagsalita sa likuran ko. Iyong boses niya... hindi naman sa dalawang lalaki na kasama ko kanina. Napalingon kaagad ako sa kaniya.

"S-sino ka?" nauutal kong tanong.

"Welcome." sumilay ang ngisi sa mukha niya.

"Anong kailangan mo sa akin?" tanong ko ulit, nakakaramdam ng kaba dahil sa kaharap. Pero hindi ko ipinakita iyon dahil ayaw kong magbigay ng senyales na natatakot ako, na nanghihina ako. Mas pinili kong ipakita ang tapang sa boses at mukha ko.

Lumapit siya sa akin at hinaplos ang mukha ko. Na estatwa na ako sa lugar ko at hindi ko na makuhang makaiwas pa sa aksyon niya. Nanuot kaagad ang mabangong amoy niya sa aking ilong. Mas inilapit niya pa ang kaniyang sarili sa akin, mas kinabahan at kumalabog pa ang puso ko dahil do'n, natatakot na baka marinig niya.

Make You Mine (ON GOING | R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon