Chapter V

152 6 0
                                    


Chapter V
Matigas.

Chapter V

Matigas.

Nagising ako ng mag-isa nalang sa kama. Dito natulog si Zane kagabi. Pumasok nanaman sa utak ko ang lahat ng nangyari sa amin. Gosh! Nakakahiya, paano ko siya haharapin ngayong araw? Ngayon pa ba ako mahihiya? Dapat nga mas lalo ko siyang lapitan para makuha ko ng lubos ang tiwala niya. Kailangan ko iyon sa plano kong pag-alis dito.

Dumiretso na ako sa banyo para sa morning routine ko. Naligo ako bago bumaba para sa almusal, bumungad sa akin ang topless na si Zane. Pawis na pawis siya, hindi ko alam kung anong ginawa niya, baka nag-work out or something? Mabilis kong iniwas ang mga mata ko sa magandang katawan niya. Oo, aaminin ko, maganda talaga ang katawan niya.

"Nakapagluto na ako." aniya at umakyat na patungo sa kaniyang kwarto. Tumango nalang ako, gulat sa malamig na pakikitungo niya.

Alam ko, lagi naman siyang ganiyan sa akin pero bakit parang may naramdaman akong lungkot sa inasal niya? Dahil ba sa nangyari kagabi? Wala pa talagang nangyayari na... alam mo na iyon. Buti nalang at WALA pa talaga!

Nakita ko ang pagkain na nasa dining area na. Kumain na siguro siya, hindi pa siya bumababa hanggang ngayon. Ilang minuto pa ang nakakalipas, narinig ko na ang mga yapak niya pababa. Nagmadali akong tumayo sa pagkakaupo at mabilis na nagligpit ng pinagkainan ko. Kahit hindi pa ako tapos, liligpitin ko na.

Lumapit siya sa ref, kumuha ng kung anong kukunin niya do'n, hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paghuhugas ng pinagkainan ko.

Bahala ka!

"Ang bilis mo naman kumain." saad niya habang ibinabalik sa ref ang kung ano man ang kinuha niya do'n. 'Di ko alam, 'di ko naman siya tinitignan, nakatalikod ako sa kaniya.

"Kaunti lang naman ang kinain ko," sagot ko.

Umalis nanaman siya at iniwan na akong tuluyan do'n. Ano nanaman bang problema niya? Hindi ko maiwasan na hindi mag-isip sa asal na ipinapakita niya sa akin ngayon. Okay, sanay ako sa coldness niya pero...

UGH! HINDI KO NA DIN ALAM!

Hindi ba niya nagustuhan 'yung nangyari kagabi? Siguro disappointed siya dahil ako lang ang nasarapan?

CALLIXTA, YOUR WORDS!

Dapat nga masiyahan ako dahil mas nagkakaroon ako ng chance para sa plano kong pagtakas. Hindi! Dapat maging mabait ako sa kaniya para maniwala siya sa akin. Ipagluto ko kaya siya or i-massage? Magaling ako do'n!

Uminit tuloy ang pisngi ko sa mga naiisip kong pakulo. E 'di kung ayaw niya akong pansinin, e 'di wag!

Pero bilang babae, nakakababa sa sarili 'yung gano'n. Alam namin na may nangyari sa amin kagabi tapos ngayon hindi niya ako papansinin pagkatapos ng lahat ng iyon?

UGH! NAHIHIYA AKO PARA SA SARILI KO!

Naisip niya siguro na sobrang tigang ko sa kaniya kaya pinili niya na iwasan ako.

GRRR!

Siya ang lalaki dito, siya dapat ang mag-effort na kausapin ako.

Hala siya! Gaga ka girl? Bakit naman siya mag-eeffort para sa'yo? Sino ka ba para sa kaniya? Hmmmpk!

Pagdating ng hapon ay napagdesisyunan kong maligo nalang sa pool, nakita ko pa si Manang, nginitian ko siya at nginitian din niya ako pabalik. Sabi ni Zane, isang linggo na mawawala si Manang pero nandito ngayon siya. Abnormal ata?

Naka-robe lang ako para hindi nakabalandra ang katawan ko habang naglalakad na ako papuntang pool pero narinig ko ang paglagapak ng tubig.

Si Zane na pabalik balik lang ang langoy. Akala ko umalis siya. Aalis na sana ako do'n ng biglang nagtama ang aming mga tingin, umiwas kaagad ako. I cleared my throat. Ang awkward lang. Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya alam kong gano'n ang ginagawa niya. Nakatingin siya sa akin ngayon habang umaahon sa pool.

Make You Mine (ON GOING | R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon