Chapter XXIII

32 0 0
                                    

WARNING: SPG/ R-18

Chapter XXIII

Regrets.

Naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin kaya nagising ako bigla. Nakita ko na nakabukas ang sliding door papunta sa veranda ng kwarto at nakita ko ang isang anino.

Kinabahan ako at nakaramdam ng takot sa aking naiisip na kung sino iyon? Imposible naman na may mga nakapasok na masasamang tao dito sa mansion, bantay sarado nga dito. Hindi nga ako makatakas.

Ikaw lang iyon! Malay mo ba na sanay na sila.

Dahan-dahan akong tumayo para sana makatago, kahit na magtago pala ako ay siguradong nakita na ako ng taong nandyan sa labas. Nakabukas nga ang pinto eh. Hindi ko siya makita. Ang nakikita ko lang mula sa kinaroroonan ko ay ang anino niya.

Dahan dahan akong naglakad patungo sa banyo para magtago dahil baka may mga kasamahan pa siya sa baba at mas lalo lang akong mapahamak kung bumaba man ako. Dahan-dahan at sinigurado ko na walang ingay o tunog ang bawat hakbang ko.

Muntik na akong mahimatay sa takot dahil sa biglang may humila sa akin.

Napasigaw ako at mabilis niyang natakpan ang bibig ko para mapigilan pa lalo sa pagsigaw. Iiyak na sana ako pero bumalik ang luha ko dahil sa boses na narinig... na mula kay Zane.

Nakayakap siya sa baywang ko at nakapahinga ang kanyang baba sa aking balikat.

"I'm sorry. I didn't mean to scare the shit out of you."

Mabilis akong kumalas sa yakap niya at hinampas siya. Wala siyang damit. Ang lamig na nga ay topless pa rin. Bahala siya kapag sinipon siya, ha!

Hindi niya ako pinigilan sa ginagawa kong paghampas sa kaniya. Dapat lang! Halos atakihin ako sa puso sa takot!

Tumawa siya. Iyong tawa na nakakaloko. Nagsimula na siyang pigilan ako sa paghampas sa matigas niyang dibdid. Sinalo na niya lahat ng hampas ko. Hinawakan niya ang mga braso ko at tinitigan niya ako. Hindi ko siya tinitigan pabalik.

"I said I'm sorry. I couldn't sleep that's why I'm here. Balak ko sana na dito ako matutulog ngayong gabi..." malumanay niyang sabi.

Ngayon ko lang siya tinignan. May luha pa sa mga mata ko. He slowly caressed my cheeks. Tila ba nagbibigay kasiguraduhan na maayos at ligtas ako. Naramdaman ko nalang na malumanay at kalmado na ako. He kissed my forehead. His kisses went down to my nose... then to my lips. He kissed me slowly.

I kissed him back. Naramdaman ko kaagad ang epekto ng paghalik ko sa kaniya dahil napa-ungol siya. Tinuloy lang niya ang paghalik sa akin. Ako naman na marupok ay nagpaubaya sa halik niya. Hindi ko na kayang pigilan pa ang kung anong nararamdaman ko tuwing hinahalikan niya ako. Nakakapanlambot at kung hindi niya lang ako hawak sa bewang ay siguradong nakaluhod na ako ngayon, nanghihina at walang lakas dahil sa mga halik niya.

His kisses are intoxicating. Kumalas siya at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Sa huli ko nalang naisip na nakakahiya pala ako, yung ginawa ko, at ang nararamdaman ko! Baka iniisip na niya ngayon na napakadali kong makuha. Isang halik lang ay bumibigay ako. Sa kaniya lang naman. Hindi ko pa naman nararanasan ito sa ibang tao.

Nang bumalik ang lakas ko ay dali-dali ko siyang tinalikuran.

"Shit!" bulong ko sa sarili.

Para akong nakuryente nang bigla niyang hawakan ang braso ko para magkaharap kami. Dahil nga sa gulat ay napaharap na rin ako sa kaniya. Nakangisi ang gago.

Hindi ko siya matignan nang maayos, umiikot sa paligid ang mga mata ko. Wala na akong pakealam kahit na mahilo ako basta hindi lang magtama ang mga mata namin.

Make You Mine (ON GOING | R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon