Chapter IX.
Stay.
Naging mabilis ang araw. Malapit na ang death anniversary ni Mama at Papa kaya mas lalong umugong ang kagustuhan kong makaalis sa lugar na ito. Pero kung sakali na makaalis ako dito, saan naman kaya ako pupulutin?
Susubukan kong bumalik sa tiyahin ko. Sigurado naman na hahayaan niya ako na manirahan muna pansamantala sa bahay namin. Bahay namin 'yon at wala siyang karapatan na palayasin ako. Hindi na ako makakapayag na gawin niya ang ginawa niya noon sa akin.
Gusto niya na maging prosti ako do'n sa bar kung nasaan ako noon. Binenta niya ako na parang bagay lang. Hindi ako nagalit noong tinrato niya akong ibang tao no'ng nasa puder nila ako pero dahil sa ginawa niyang pagbenta sa akin sa may-ari ng bar na 'yon, do'n lumagablab lahat ng galit at sama ng loob ko sa kaniya.
Parang hindi niya ako pamilya sa ginawa niya! Sa halagang dalawampung libo ay nakuha niya akong ibenta sa mga taong halang ang kaluluwa.
"Kuya, kain po."
Inabot ko ulit ang dala kong merienda para sa kanila. Nagluto ako ng bananacue at sinamahan ko na din ng orange juice.
"Naku, si Ma'am, napapadalas ang pa merienda niyo ha? Salamat po," anang isa at kinuha ang dala kong tray ng merienda.
"Hehe, para po talaga sa inyo 'yan. Para po mas lalo kayong ganahan sa pagbabantay."
Nabawasan sila, dalawa nalang ang nandito na dati ay tatlo. Sabi nila, umuwi daw 'to sa probinsiya dahil may aasikasuhin. At least nabawasan?
Alas kwatro na ng hapon kaya medyo hindi na tirik ang sikat ng araw.
Nakita ko ang pagkaripas ng takbo ng isang guard. Napahagikgik ako kahit na nakokonsensya. Pasensya na po, Kuyang guard. Kailangan ko pong gawin ito. Patawarin niyo po ako.
Nilagyan ko ng pang-pa-poopoo yung bananacue. Sorry na kaagad iyon nalang talaga ang pinakalast na pwede kong gawin para lang makaalis sila sa pwesto nila do'n.
Hindi ko na din inalam kung nasaan pa si Zane, basta makakaalis na ako dito. Sigurado na ako ako do'n. Napangisi ako ng makita ko ang isa pang guard na hinahaplos na din ang tiyan niya. Nasa veranda ako ng kwarto ko ngayon at tanaw na tanaw ko ang dali dali niyang pagtakbo papunta sa banyo na nakalaan para sa kanila.
"Sorry po." Natatawa kong sambit.
Wala ng tao sa gate. Wala ng nagbabantay. It's time!
Mabilis kong tinungo ang labas papunta sa gate ng mansyon, mabilis man pero dahan dahan pa din ang kilos ko. Baka mapansin ako ni Manang Berta na busy para sa hapunan.
Well, huwag mo na damihan ang inihahanda mong dinner, Manang dahil si Zane nalang naman ang kakain mamaya dito. Napahagikgik ako sa mga naiiisip ko. Nang makalabas na sa teresa ng mansyon ay mabilisan akong tumakbo patungong gate.
OMG! I can feel my freedom!
Nalalanghap ko na ang saya kapag nakaalis na ako dito. Ngiting ngiti kong binubuksan ang gate, dahan dahan upang di makakuha ng atensyon. Kahit malayo ay baka marinig ng dalawang guard ito.
"Where the hell are you going?"
Napawi ang ngiti at nanlamig bigla ang katawan ko sa pamilyar na boses na nagsalita. Matigas ang pagkakasabi ni Zane sa mga salitang lumabas sa kaniyang bibig. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o ano ang mararamdaman ko.
Gusto ko nalang tumakbo at makawala dito pero ngayon na nandito si Zane, napakaimposible na itong mangyari.
Nilingon ko siya at bumalandra ang makisig na katawan nito sa akin. Ang makapanindig balahibong abs at dibdib nito sabayan pa ng naguumigting mga braso. Damn! Nililok ng mabuti ang katawan niya.
BINABASA MO ANG
Make You Mine (ON GOING | R18)
RomanceDELA ROSSI #1. WARNING: SPG | MATURE CONTENT | R-18 This story contains mature themes and strong language. Read at your own risk. Love. Vengeance. Pain. They said that we all deserve second chances. When she met him, everything has changed. A rough...