Chapter VI
Sino-sino.
"Anak, sorry. Kailangan kong gawin 'to para sa kaligtasan mo."
"Papa! Papa! Papa!"
Paalis na ang Papa ko, walang awa sa pagbuhos ang mga luha ko, tuloy tuloy, walang tigil.
Nagising ako ng habol habol ang hininga. Pawis na ang noo ko dahil sa panaginip na 'yon. Si Papa. Napanaginipan ko nanaman siya.
Bumangon ako kaagad para makapag-ready na ngayong araw. Mabilis akong naligo at nagbihis, bumaba kaagad at sinalubong ng nakangiting si Manang. Naka-maong shorts lang ako at puting fitted shirt.
"Good morning po, Manang!"
"Good morning!"
Umupo na ako sa high chair at nagsimula ng kumain. Sigurado akong nakapag-almusal na ang mga guards, maaga silang pinagluluto ni Manang.
Pagkatapos ay dumiretso kaagad ako sa garden. Hanggang ngayon, hindi pa din kami nag-uusap ni Zane. Dalawang linggo na ang nakakalipas. Hindi na nga kami halos magkita. Gabi na siya kung umuwi at wala na akong pakealam do'n.
Tuwang tuwa ako habang dinidiligan ang mga halaman. Mas lalong tumingkad ang mga kulay nito.
"Ayan, mamukadkad pa kayo!" humagikgik pa ako.
Napatalon ako ng may biglang nagsalita sa likod ko.
"Hi." Kahit kilala ko na kung sino iyon ay nagulat pa din ako. Si Adriel na naka itim na shirt at jeans lang with shades at medyo messy ang hair, may dala siyang paper bag na may tatak ng isang sikat na restaurant.
"Adriel, ikaw pala. Wala kang work ngayon?" nagtatakang tanong ko.
"Uhm, 'di ako pumasok ngayon. Nagdala ako ng pagkain. Tara kain tayo?" Anyaya niya sa akin.
Nginitian ko siya at iginiya siya papasok ng sala. Pagkapasok namin ay umupo na siya sa pang-isahang sofa at tumungo ako sa kusina para kumuha ng plato.
"Thank you." iniabot ko sa kanya ang plato at mga kubyertos. Binigyan naman kami ng juice ni Manang.
"How are you?" Tanong niya habang kumakain kami.
Kumain na rin ako kahit na kakakain ko palang. Ayoko naman tanggihan ang pagkain. Maraming 'di nakakakain sa mundo.
Napa-angat tuloy ako ng tingin sa kaniya, "Okay lang naman."
Sabagay, last na kita namin ay 'yong gabi na may nangyari din sa amin ni Zane.
CALLIXTA! Bakit 'yon agad ang naisip mo?
"Ikaw? Kumusta?" tanong ko din sa kaniya.
He smiled at me. Napansin ko na may dimple siya sa kanang pisngi.
"I'm fine."
"Masarap 'tong pasta." Masarap talaga!
"I'm glad that you like it." sabi niya at sumimsim sa juice niya. Nakatingin lang siya sa akin habang ginagawa niya 'yon. Nag-iwas nalang ako ng tingin.
Pagkatapos kumain ay niyaya ko siya sa garden. Habang nakaupo siya sa bench, ako naman nagdidilig ulit ng mga bulaklak.
"Calli, hindi ka ba naiinip dito?"
"Kapag naiinip ako, nagdidilig nalang ako ng mga halaman dito sa garden. Nawawala ang pagkainip ko." sagot ko ng 'di ko man siya tinitignan.
Tinabihan niya ako. Pareho na kaming nakatayo ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/91282519-288-k757482.jpg)
BINABASA MO ANG
Make You Mine (ON GOING | R18)
RomansaDELA ROSSI #1. WARNING: SPG | MATURE CONTENT | R-18 This story contains mature themes and strong language. Read at your own risk. Love. Vengeance. Pain. They said that we all deserve second chances. When she met him, everything has changed. A rough...