Chapter XX
Client.
I got up really early today since it's the day I go to university for the admission exam. Nakita ko na wala na rin pala si Zane kaya ako lang mag-isa ang kumain ng almusal na hinanda ni Manang Berta. Nagtataka lang ako dahil ala sais palang ng umaga at sobrang aga naman ata na pumasok ni Zane sa trabaho.
Mabilis akong naghanda at saktong 7:30 ng umaga ay nasa university na ako. Si Bert ang nag-drive at manghang mangha ako sa laki ng university na ito. Malawak ang paligid at may mga nakikita na akong mga magiging estudyante at baka ang iba rito ay maging kaklase ko pa.
Napangiti ako at na-excite sa naiisip. Maliban kay Adriel ay madadagdagan pa ang mga kaibigan ko. Naramdaman ko ang kagalakan ng aking puso.
Sabi rito sa brochure na hawak ko ay kalangan ko ng pumunta ng Room BA304 dahil doon magaganap ang examination. Naglakad na ako papunta sa building at madali ko naman nahanap ang room dahil nasa harapan lang ito ng main building.
Huminga muna ako nang malalim para humugot ng lakas ng loob bago pumasok sa room. Nakita ko na may mga estudyante na sa loob. Dahan dahan ako sa mga hakbang ko para hindi makaagaw ng pansin sa mga iba na nandito. Umupo ako sa bandang dulo, pero hindi naman sobrang dulo talaga.
Nginitian ko ang mga kasamahan na napatingin sa akin, they smiled back at me.
Nilalamig ako dahil kinakabahan na rin.
Kalaunan ay dumating na ang isang babae, mukhang siya ang magbibigay at magbabantay sa amin.
"Get one and pass..." saad nito.
Nang makarating na sa akin ang last test paper dahil ako na rin ang last ditto sa row naming ay nagsimula na kaagad ako sa pagsagot. Mga logic and dapat talaga magaling kang mag-analyze ang nasa test paper. Hindi naman ako nahirapan dahil kaya ko naman sagutan ang mga tanong.
Mahaba ang oras na ibinigay sa amin dahil medyo marami rin ang mga katanungan. Basta sumagot lang ako at inisip na dapat makapasa ako sa university na ito, baka nga makapasok pa rin ako dahil kakilala ni Zane ang head ng university na ito, iyon ang sabi niya sa akin kagabi.
He chuckled sexily, "Okay lang na hindi ka pumasa sa university bukas dahil makakapasok ka parin doon. Kakilala ko ang head ng university na papasukan mo."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Wow ha! May backer nap ala ako."
Nagtawanan kami.
Na-distract tuloy ako sa mga naiisip ko. Hindi ko na ma-gets ang mga tanong kaya paulit-ulit ko itong binasa hanggang sa maintindihan at nag-focus na sa pagsagot.
"Ano ba? Focus, please!" bulong ko sa sarili.
Maya't maya lang ay nakita ko na may nagpapasa na ng mga answer sheets nila sa proctor. Mas na-pressure tuloy ako dahil doon. Nagsagot na lang ako.
Ilan nalang naman ang natitira sa mga tanong na kailangan kong sagutin.
At dahil na rin sa kagustuhan ko na matapos kaagad ay tinapos ko nga ang pagsagot. Dahan dahan akong tumayo para hindi makaistorbo sa ibang sumasagot pa ng mga kanila. Nginitian ko ang proctor nang makalapit na ako sa mesa niya para maipasa ang answer sheet at ang test paper.
Lumabas na ako nang saktong tumunog ang cellphone ko. Saktong sakto ang call ni Adriel. Nakangiti kongsinagot ito at dahan dahan naglakad papunta kay Bert at sa sasakyan. Naghihintay siya roon.
"Hello, Adriel..." masaya kong bati sa kaniya.
"Hi, Calli! How are you? Nasa bahay k aba ngayon?" tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Make You Mine (ON GOING | R18)
RomanceDELA ROSSI #1. WARNING: SPG | MATURE CONTENT | R-18 This story contains mature themes and strong language. Read at your own risk. Love. Vengeance. Pain. They said that we all deserve second chances. When she met him, everything has changed. A rough...