WARNING: SPG/R-18
Chapter XVII
Apo
"Zane, it's been months since the last time you visit." Nana Dahlia said. Nandito kami sa living room at nagkukwentuhan. Hindi ko alam pero tuwang-tuwa ako ngayon dahil nakikita ko si Zane na nakangiti habang kausap ang Nana Dahlia niya. This is his soft side and I love this side of him. Beast on the outside but softie on the inside. Napangisi tuloy ako.
Kanina, sabi ni Zane, Nana Dahlia adopted his mom. Kaibigan daw kasi ni Nana Dahlia ang mga magulang nito pero may isang pangyayari ang bumago sa buhay ng nanay ni Zane. Maaga din siyang naulila sa magulang. Parang ako lang. Zane grew up with his Nana Dahlia kaya sobrang close nila.
"Yes, Nana. I'm busy at work. I didn't had the chance to visit you."
Tumawa lang ang matanda. "Lagi ko naman kausap ang mommy mo, hijo."
Sa akin naman ngayon napunta ang atensyon ng matanda. Nauhaw ako bigla kaya uminom na muna ako ng orange juice na nakahapag para sa amin.
"When will I have my grandchildren?"
Pero imbes na makainom ng maayos, I spit out what I was drinking because of Nana's questions. Nagulat ako, I can feel the redness on my face in shame and shock. Nagulat din siya sa reaksyon na naibigay ko sa kaniya atsaka natawa na rin.
I saw on my peripheral view that Zane is suppressing his laugh. ARGH! This fucking brute!
"Wala pa ba kayong plano, Calli? Kaya ganiyan ang reaksyon mo?"
Sasagot na sana ako nang biglang sumabat si Zane.
"Nana, soon..." saad niya, punong puno ng confidence.
Tinignan ko tuloy siya ng masama. Buti nalang hindi na napansin ni Nana iyon dahil busy siya sa pag-inom niya.
Nang maghapunan na ay sabay sabay kaming kumain. Nana asked us to stay for tonight. Pumayag naman si Zane, ganoon na rin ako dahil wala naman akong magagawa. Mabuti nalang nagdadala si Zane ng extra clothes na nasa sasakyan niya lagi. Nagulat ako dahil mayroon din ako doon. Underwears and white tshirts and dolphin shorts. Okay na kaysa sa wala.
"Pinalinis ko na ang dating kwarto mo Zane. Ayos lang naman na sa iisang kwarto lang kayo since you two have a relationship." Ani Nana Dahlia na makahulugang nakangisi at tinalikuran na kami.
Masama kong tinignan si Zane. Nakakairita siya, kanina pa ako naiinis sa kaniya. Iniwan ko nalang siya doon at padabog na pumasok sa kwarto niya.
Bakit niya kaya hinahayaan na ganoon ang isipin ng matanda sa aming dalawa!? Bakit hindi niya sabihin ang totoo na wala naman kaming relasyon. Kanina rin sa sinabi niya tungkol sa pagkakaroon ng apo ni Nana! Soon daw! Aasa ang matanda at kapag nalaman niya ang totoo panigurado ay masasaktan siya and I don't want that to happen. Narinig ko ang mga hakbang niya papunta sa kama. Umupo siya sa gilid ko. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil ayoko ng makipag-usap muna sa kaniya.
"I'm sorry, okay? Kung hindi ko sinabi kay Nana iyon, kukulitin niya lang tayong dalawa."
Hindi ko pa rin siya pinapansin.
"Calli..." malambing niyang saad. Hindi ko na mapigilan na hindi siya lingunin. I saw his tired eyes.
"Sana sinabi natin kaagad sa kaniya, hindi ba?" bumangon ako mula sa pagkakahiga, para mas matanaw at makausap ko siya.
Hindi ko alam kung bakit pinapatagal niya pa ang sitwasyon na ito. Pupwede naman na sabihin kay Nana Dahlia, mukhang di naman siya magagalit.
Pero anong sasabihin ni Zane sa kanyang Nana? Na binili niya ako sa isang beerhouse at wala naman talaga kaming relasyon?
BINABASA MO ANG
Make You Mine (ON GOING | R18)
RomanceDELA ROSSI #1. WARNING: SPG | MATURE CONTENT | R-18 This story contains mature themes and strong language. Read at your own risk. Love. Vengeance. Pain. They said that we all deserve second chances. When she met him, everything has changed. A rough...