Chapter IV

228 7 0
                                    

WARNING: SPG/ R-18

Chapter IV
Pigil.


Nagising ako ng may mabigat na nakapatong sa akin. Ang mga braso ni Zane ay nakapalupot sa baywang ko at ang kaniyang paa naman ay sinasakop din ang mga binti ko.

Akala ko ba aalis siya kapag nakatulog na ako? Dahan dahan kong tinanggal ang mga braso niya para sana makapunta na sa banyo pero madalian niya ulit akong ibinalik sa pwesto ko kanina.

"Where are you going?" his morning voice is so masarap sa tenga!

"Sa banyo lang."

Pagkasabi ko no'n ay hinayaan niya akong magtungo sa banyo.

I took a glance on my morning self. Shit! With my hair messed up mukha talaga akong mangkukulam! Bigla akong naconcious. Naalala ko nanaman iyong kiss kagabi! Nakakadalawa na siya ah!

Naligo nalang ako kaagad. Pagkatapos ay lumabas na din ako. Wala na si Zane sa kama, ay teka! Hindi ba siya papasok ngayon? Tiningnan ko ang orasan sa kwarto at nakita na alas otso na ng umaga! Late na siya kung ganoon!

Bumaba na ako at agad na inatake ng mabangong amoy sa kusina ang ilong ko! Gutom na ako.

Akala ko si Manang Berta ang nagluluto, si Zane pala!

"Hindi ka... magtatrabaho?" tanong ko at tumungo sa ref at tumingin tingin nalang ng pwedeng mapagdiskatahan doon.

"Sa study lang ako ngayon." sagot niya at hindi man lang ako hinarap. Nasulyapan ko na bacon at hotdogs ang niluluto niya.

Para matulungan siya ay kumuha nalang ako ng pinggan at kubyertos at iniayos iyon sa dining area. Gumawa na din ako ng black coffee para sa aming dalawa.

Nang handa na ang lahat ay nagsimula na kami sa pagkain.

"Si Manang Berta?" tanong ko.

"Sa kabilang bayan, may inasikaso. Isang linggo siyang mawawala."

Isang linggo? So ibig sabihin ako lang mag-isa dito sa linggong ito? Panigurado magtatrabaho na siya bukas!

"By the way..."

Napatingin ako sa kaniya.

"Adriel will come over later." Aniya ng hindi ako tinitignan at patuloy lang sa pagkain niya.

"Talaga?" medyo sumigla ng kaonti ang boses ko.

Iritado siyang lumingon sa akin. "Bakit ang saya mo naman ata?"

"Ha? Hindi ah!" hindi naman talaga! Atleast may makakausap ako mamaya, hindi lang siya. Tsaka mukhang magkakasundo kami ni Adriel kasi parang mas masaya siyang kasama.

"Magtatrabaho kami sa study, hindi siya nandito para libangin ka." aniya at tumayo na at iniwan akong mag-isa doon.

Anong problema niya? Bahala nga siya!

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at hindi na pinansin ang biglaang pagwawalk-out niya.

Maya maya lang ay narinig ko na ang masiglang boses ng isang lalaki sa sala, at kung hindi ako nagkakamali, si Adriel iyon! Nakita ko na sinalubong siya ni Zane, nagbatian at nag-aasaran pa sila. Mukhang magkasundo talaga sila. Malamang, magkaibigan nga e, tanga ka ba?

"Zane! Biglaan naman itong pa-work from home mo."

Aakyat na sana ako ng bigla akong tinawag ni Adriel. Ayoko naman maging masungit kaya lumapit na ako.

"Good morning, Adriel." bati ko sa kaniya.

"Good morning, Callixta. How are you?" he smiled at me.

Make You Mine (ON GOING | R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon