Chapter XII

58 5 0
                                    

Chapter XII

Sakit.


"Are you ready?" tanong ni Zane habang inaayos ang pagkakabutones ng kaniyang button down shirt.

Tumango ako at patuloy na tinignan ang sarili sa salamin. I wore a white off shoulder dress. Simple lang ito at naglagay lang ako ng pink lipstick.

Today marks the tenth death anniversary of my Mama and Papa. Tinupad ni Zane ang sinabi niya na babyahe kaming Cavite ngayon. I told him that if he's busy, he doesn't need to come with me, but he insisted.

"Let's go," aniya at iginiya ako para makapunta na sa sasakyan. Ang SUV ang dadalhin namin ngayon, sinama na rin niya si Bert at siya na ang magdadadrive. Sa tingin ko ay hapon na kami makakarating doon.

Traffic pa. Nagyaya lang si Zane na bumaba sa isang restaurant para makakain kami, dahil hindi namin inakala na matatagalan kami. Bumili kami ng mga bulaklak at kandila bago tumuloy sa sementeryo. Alas dos na nang makarating kami. Mabuti at hindi masyadong tirik ang araw, medyo makulimlim at uulan pa ata.

Matagal ko ng hindi nabibisita si Mama at Papa dito simula noong ibenta ako ni T'yang sa bar na 'yon, ngayon nalang ulit. Inalalayan ako ni Zane sa paglalakad patungo sa himlayan ni Mama at Papa. Tahimik ang buong paligid at iilan lang ang mga taong nandoon na siguradong bumibisita din sa mga mahal nila sa buhay na namayapa na.

Iniayos ni Bert ang dala niya na mat para may maupuan kami, pagkaayos din ay dali dali na siyang bumalik sa tabi ng SUV at doon nagmasid. Umupo sa tabi ko si Zane. Liningon ko siya at nginitian, nanatili ang seryosong ekspresyon niya na nakatingin sa akin.

"Hi Ma, Hi Pa! Kumusta kayo diyan sa heaven?, Ganda diyan no? Pasensya na po at ngayon lang ako nakabisita. Maraming nangyari eh," hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Kasabay ng paghikbi ko ay ang paghawak ni Zane sa kamay ko. Naramdaman ko ang init ng paghawak niya na nagpakalma sa akin.

"Sobrang miss na miss ko na po kayo. Sobra."

Mas lalo akong humagulgol. Pinagsalikop ni Zane ang mga daliri namin at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap.

"Hush baby..." aniya habang hinahagod ang likod ko. Mas lalo lang akong naging emosyonal sa ginagawa niya.

"I'm sure, your mom and dad are happy now wherever they are."

Kumalas ako sa yakap niya at tinitigan siya. Siya kaya? Nasaan na ang mga magulang niya?

"Ikaw? Saan na ang mga parents mo?" I asked.

Gumalaw ang panga niya at nag-iwas ng tingin. Nakatingin na siya ngayon sa mga pangalan ng magulang ko.

" Carlene Villega and Dominiq Villega..." basa niya.

"Wala ka na rin bang magulang tulad ko?" tanong ko ulit.

"My Mom? She's in Italy. My Dad is dead."

Patay na pala ang daddy niya. Siguro alam niya ang pakiramdam ko ngayon na wala na din akong tatay.

"Kaya pala ikaw lang mag-isa sa mansyon niyo?"

"Sa akin talaga ang mansion na 'yon. Ang mansyon ng pamilya ko ay nasa Manila rin at Italy." aniya na nagpagulat sa akin.

Okay. Hindi naman talaga imposible na magkaroon siya ng sariling mansyon dahil hardworking naman siya.

"Talagang mayaman pala talaga kayo." Sinabi ko pa ang obvious.

He laughed. Ang sarap lang pakinggan ng boses niya.

Naramdaman ko na nag-iba ang pakikitungo niya sa akin. Kung dati ay medyo mag pagkaistrikto siya ngayon ay hindi na masyado. Pinapayagan na niya ako basta ba si Bert ay laging nakabantay sa akin o kaya naman siya.

Make You Mine (ON GOING | R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon