Chapter XIV
Siguro
Grabe ata ang iyak ko kagabi dahil namumugto na ngayon ang mga mata ko. Napansin pa tuloy iyon ni Manang Berta at nagdahilan nalang ako na nanood ako ng tragic love story kaya naiyak ako buong gabi. Umihip ang panghapong hangin sa hardin ng mansyon. Nagulo tuloy ang buhok ko. Sinikop ko ito upang hindi na ulit magulo ng hangin.
Umupo ako sa upuan na lagi kong tambayan noon. A cold wind began to blow. Mapresko talaga dito sa parteng ito dahil na rin sa mga halaman.
Dala dala ko ang cellphone ko kaya pinicturan ko ang mga bulaklak, pati ako ay nagselfie na rin. Nagpose ako ng nakangiti, ngiti na labas ang ngipin, wacky, fierce tapos ay nakapeace sign pa. May pa-cross eyes pa ako na pose. Natawa ako habang tinititigan ko ang mga pictures.
Natigil lang ako sa pagtitig sa mga ito nang makatanggap ng text.
Adriel:
Hi Calli! I'm so busy these past few days kaya didn't had the chance to visit you there. Baka sa susunod ay makabisita ako. -Adriel.
Napangiti naman ako sa text niya, matagal na nga niya akong hindi nabibisita. Nagtipa kaagad ako ng reply.
To Adriel:
Okay lang! See you soon.
Nang maisend ko na ay nakatanggap ulit ako ng isa pang text galing naman kay Zane. Hindi siya umuwi ngayong lunch, siguro busy sa opisina?
Zane:
What are you doing? Kumain ka na ba?
Ako:
Oo. Nasa garden ako ngayon.
Biglang nagkaroon ako ng idea. Napangisi ako. Lumapit ako sa mga bulaklak at nagselfie kasama nito. Nakangiti lang ako sa picture at sinend ko sa kaniya.
Ako:
Ganda no?
Natatawa ako habang hinihintay ang reply niya. Nang marinig ko na may nagmessage na sa akin ay agad ko itong chineck.
Zane:
Oo, the flowers are beautiful.
Napawi ang ngiti ko. Ako kaya yung sinabihan ko ng maganda! Hindi 'yung mga bulaklak! Hmmmpk.
Hindi ko nalang siya nireplyan. Nagreply din si Adriel sa text ko sa kaniya.
Adriel:
Out of town ako ngayon, siguro by tomorrow ay nasa Manila na ulit ako at mabibisita na kita. What are you doing?
Me:
Okay! Pasalubong ko ha? Nasa garden ako ngayon.
Sinend ko din ang picture na sinend ko kay Zane kanina.
Me:
Ganda no?
Natawa nanaman ako. Napakafeelingera ko talaga.
Adriel:
Ganda nga.
Uminit ang pisngi ko. Pero baka katulad lang siya ni Zane na ang bulaklak lang ang sinasabihan niya ng maganda.
Me:
Bulaklak o ako? Hahaha :D
Akala ko ba busy 'to? Bakit nakakapagreply pa siya?
Adriel:
Pareho pero mas maganda ka :)
Napangiti ako sa nabasa. Nalilibang ako sa mga texts namin.
BINABASA MO ANG
Make You Mine (ON GOING | R18)
RomanceDELA ROSSI #1. WARNING: SPG | MATURE CONTENT | R-18 This story contains mature themes and strong language. Read at your own risk. Love. Vengeance. Pain. They said that we all deserve second chances. When she met him, everything has changed. A rough...