WARNING: SPG/R-18
Chapter X
Big Time.
Hindi ako kumain ng dinner dahil wala din akong gana. Walang akong maramdaman na pagkagutom. Galit, inis at awa sa sarili. 'Yan lang ang nararamdaman ko. Nakahiga lang ako sa kama ko at nagmumuni muni. Umalis siya kanina pagkatapos ng sagutan namin, hindi ko din alam kung nasaan na siya. Halos tatlong oras na din siyang wala. He didn't text me. Why would he do that? He's fuming mad at me.
Magkagalit kami, oo. Subalit hindi ko maiwasan na hindi mag-alala sa kaniya. Lalo na ngayon na hindi ko man lang alam kung nasaan siya.
Para mawala ang nasa isipan ay agad akong pumasok sa CR para maligo at mawala ang negative thoughts sa isipan ko. Magbababad nalang muna ako sa bath tub para na rin marelax.
Kalahating oras na din siguro simula nang magbabad ako sa bath tub. Atleast narelax ako. Nakapikit ang mga mata ko at dinadama ang tubig sa tub. Nakakaginhawa ito sa pakiramdam.
Ngunit isang malakas na kalabog ang narinig ko kaya nagulat ako. Curiosity hits me. Sa pagmamadali ay ang tuwalya nalang ang nakuha ko. I covered my body with it. Dahan dahan muna akong umahon sa tub at baka madulas pa ako.
Pagkaahon ay do'n ako nagmadali sa paglabas ng banyo at ng kwarto ko. Nagmula ang kalabog na 'yon sa ibaba. Sa sala.
Kinakabahan ako na baka pinasukan kami ng magnanakaw. Imposible dahil may bantay naman sa gate. Paano naman kung masyadong magagaling ang mga magnanakaw at nakuha nilang bugbugin ang mga guards?
Naku! 'Wag naman po sana. Kinalma ko ang sarili ko habang pababa ng hagdan. Iniisip na sana si Manang Berta lang 'yon na bumalik kasi may nakalimutan sa kusina o kaya ay si Bert.
Nahagip ng paningin ko ang mamahaling vase na basag na ngayon. Nagkalat ang mga bulaklak sa sahig.
At hindi lang ang mga bulaklak ang nakakalat sa sahig, pati si...
"Zane!" Agad akong dumalo sa kaniya. Nakahandusay siya ngayon sa sahig. I immediately smell the strong alcohol scent from him. Nakapikit ang mga mata niya. Paano kaya 'to nakauwi dito? Nagdrive ba 'tong mag-isa? Inalalayan ko siya para makatayo.
Sinubukan ko siyang dalhin sa malapit na sofa para makahiga siya ng maayos pero natumba kami dahil hindi ko din siya kayang buhatin. Nakapatong na tuloy ako sa kaniya. Nagising siya. Hindi mapirmi ang mga mata niya dahil na din sa kalasingan.
He's wasted!
Dali dali akong tumayo mula sa pagkakatumba at inayos ang tuwalya na bumabalot sa aking katawan!
Tanga tanga kasi, bakit tuwalya pa ang nahila ko kanina at hindi yung roba?
Habang inaayos ko ang tuwalya sa pagkakakapit sa aking katawan ay unti unti naman siyang umuupo.
"Nakita ko na nakahandusay ka sa sahig kaya dadalhin sana kita dyan sa sofa para maging komportable ka." pagpapaliwanag ko. Hindi ko siya sinulyapan, pinaglalaruan ko ang aking mga daliri para mawala ang kaba ko.
Bakit ako kinakabahan? Hindi ko rin alam.
"Are you seducing me, Callixta Duayne Villega? Hmm?" Namumungay na ang mga mata niya habang mariin akong sinusuri. Nakatayo na din siya sa harapan ko.
"Ano?" gulat na tanong ko pabalik.
He sexily chuckled. It sent me shivers up and down my spine.
"Naliligo ako tapos biglang may narinig akong kalabog mula dito. Sa kakamadali 'di na ako nakapagbihis pa,"
Matalim niya akong tinitigan, "Paano pala kung masasamang tao ang nakapasok dito? Lalabas ka, with only that?" tinuro niya ang tuwalya, animo'y diring diri pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/91282519-288-k757482.jpg)
BINABASA MO ANG
Make You Mine (ON GOING | R18)
RomanceDELA ROSSI #1. WARNING: SPG | MATURE CONTENT | R-18 This story contains mature themes and strong language. Read at your own risk. Love. Vengeance. Pain. They said that we all deserve second chances. When she met him, everything has changed. A rough...