Chapter XV
Galit.
Today is Friday and ngayon ang alis namin papuntang Baguio. Maaga akong nagising dahil na rin maaga ang alis namin. Nakita ko na alas sais palang ng umaga.
"Are you ready?" Tanong ni Zane habang palabas na kami ng bahay, nakapag-breakfast na rin kami.
"Excited na nga ako!" masaya kong sagot.
Napansin ko na ngumisi siya. Sumakay na kami sa SUV, si Bert ang driver, tatlo lang kami dito sa loob. Nagsama naman ng tatlo pa na bodyguards si Zane na nasa isang sasakyan pa.
Medyo inaantok pa ako dahil sa sobrang excited ako kagabi ay hindi agad ako nakatulog.
"Calli..."
"Hmm?" nilingon ko si Zane, namumungay pa ang mga mata ko dahil sa inaantok pa talaga ako. Nakalabas na kami ng subdivision at sana hindi na kami ma-stuck pa sa traffic.
"You can sleep. Matagal pa ang byahe."
I nodded. Mag-aalas syete palang naman. I leaned my head back in my seat so I could fall asleep. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
Nagising nalang ako ulit nang maramdaman ang pagkahinto ng sasakyan. I was shock that my head is resting on Zane's shoulder. I hurriedly went back to my own seat.
"Sorry..." saad ko habang hindi ako makatingin sa kaniya.
Napansin ko na nasa isang drive thru kami ng isang sikat na fast food chain.
"I decided to order our food here para tuloy tuloy na ang byahe. Are you hungry?"
Umiling ako. Napansin ko na 10 AM na pala. Halos tatlong oras pala akong natutulog, ilang oras kaya akong nakahilig sa balikat ni Zane?
"Are you still drowsy? You can continue your sleep if you're not going to eat?" He said teasingly.
"Kakain nalang ako." Nagutom ako bigla.
"'kay."
Inabot ni Bert sa amin ang mga inorder na pagkain. Nagsimula nalang akong kumain at hindi na pinansin pa ang mapang-asar na si Zane.
"Why are you so silent? Aren't you excited?" I was surprised by his sudden question. Akala ko ay hindi niya ako papansinin dahil hindi ko naman siya kinakausap at patuloy lang ako sa pagkain, ayaw naman daw kasi niyang kumain.
"Excited, syempre."
"Is this your first time going to Baguio?" tanong niya ulit. Natawa ako bigla.
"Hindi no! Pumunta na ako sa Baguio noon kasama si Mama and Papa. Ang saya kaya!"
Nakita ko ang pagbabago ng reaksyon niya. He was frowning then he looked away so I knew there's something wrong or he's annoyed about something. Alam ko itong reaction niya kapag naiinis or nagagalit siya. It's his expression of displeasure, anger and dissatisfaction.
I didn't say anything wrong or things that may offend or provoke him. Hindi ko nalang ulit pinansin at baka mas lalong mainis pa sa akin.
Ako nalang iiwas.
Matagal pala ang byahe. It took us about five hours to travel, now we are in a hotel here in Baguio. The view in our hotel room is breathtaking. Isang presidential suite ang kinuha ni Zane para maging room namin, maayos naman, maaliwalas at may privacy pa rin naman kaming dalawa.
We ate our lunch at the hotel's restaurant. Hindi ko alam kung saan ang business conference nila Zane pero nandito na ang secretary niya and according to her, the main venue of the conference is here, sa mismong hotel. Kung ganoon, where's Adriel?
BINABASA MO ANG
Make You Mine (ON GOING | R18)
RomanceDELA ROSSI #1. WARNING: SPG | MATURE CONTENT | R-18 This story contains mature themes and strong language. Read at your own risk. Love. Vengeance. Pain. They said that we all deserve second chances. When she met him, everything has changed. A rough...