Chapter II
Want.
Nagising ako sa sinag ng araw na sumisilip sa bintana ng aking kwarto. Nakita ko na alas dyes na pala ng umaga at kailangan ko na din bumangon. Napuyat ako kagabi sa kakaisip sa sitwasyon ko at sa kakaisip ng paraan kung paano ako makakatakas, and about that, may nakita akong notebooks ditto sa isa sa mga cabinet sa kwarto kung saan ako dinala nila Bert kagabi at kung saan din naman ako natulog. Nagsulat ako doon ng mga plano ko, itinago ko baka makita ni Mr. Demonyo eh. Naramdaman ko ang pagkagutom. Dahan dahan akong bumaba at pumunta ng kusina.
Muntik na akong maligaw sa sobrang laki ng bahay este mansion na ito. Sa kusina naaamoy ko ang mabangong niluluto na lalong nagpagutom sa akin. Nakita ko na nagluluto na ang isang kasambahay. Naramdaman niya ang presensya ko at humarap sa akin.
"Oh, hija kumain ka na ba?" Tanong niya, napaka lambing ng boses niya. ".....hintayin mo na lamang ito." Dagdag pa niya at pinagtuonan ng pansin ang kanyang niluluto.
"Ako si Berta, Manang Berta nalang ang itawag mo sa akin, hija." dagdag pa niya at nginitian ako. Nagpatuloy siya sa pagluluto.
Lumapit ako. "Ang bango po, tutulungan na po kita." Sabi ko sabay kuha ng sandok, akmang hahaluhin ko na ay pinigilan niya ako.
"Okay lang ako, anak. Pinagbilin ka sakin ni Zane na pagsilbihan kita, kaya ako na dyan." Paliwanag niya at kinuha sa kamay ko ang sandok.
Umupo nalang ako sa upuan na malapit sa kanya. Zane? Zane pala ang pangalan ng mokong na iyon!
"Salamat, po." Sabi ko
"Uhm... Manang, si Z-Zane po pala?" tanong ko. First time kong banggitin ang pangalan niya at kinabahan ako do'n! Hindi ko din alam kung bakit. Siguro dahil gali ako sa kaniya? Ganoon kasi ako magalit, kinakabahan rin.
"Nasa opisina na. Maaga talaga siyang umaalis, eh." sagot ni Manang at nagpatuloy na sa ginagawa niya. Hindi ko na din sinundan ng tanong kahit gusto ko pang magtanong tungkol kay Zane atsaka nagugutom na rin naman ako kaya hindi ko na pinansin ulit ang mga namumuong katanungan sa utak ko. Sinimulan ko nang galawin ang pagkain na nakahain sa harap ko.
"Ahm, matagal na po ba kayong naninilbihan sa kanila?" Tanong ko kay manang. Tungkol nalang sa kniya ang tinanong ko hindi na kay Zane.
"Oo, wala pa yang si Zane eh, nagtatrabaho na ako sa pamilya nila. Nasa probinsya pa ang lolo at lola niya." Sagot naman niya ng di ako tinitignan dahil busy sa pagluluto. Ang tagal na pala niya dito. So alam niya lahat ng tungkol kay Zane? Kasi nasubaybayan niya ito mula bata hanggang sa pagtanda niya.
"Ahh, tagal niyo na po pala." Maikling sagot ko at tinuloy ang pagkain ko. Pagkatapos ko ay dinala ko sa lababo ang pinagkainan ko at nang mahugasan ko na.
"Oh nak, ako na diyan. Magpahinga ka na don." Pagpigil niya sa akin.
"Naku, Manang okay lang ho. Kaya---" naputol nalang kaagad ang sasabihin niya.
"Hindi. Umakyat ka na sa kwarto mo at magpahinga? Ako na diyan!" Sabi niya. Hinayaan ko nalang at umakyat na ako sa kwarto ko. Kakagising ko palang, pahinga agad? Naku! Tataba ata ako dito dahil wala naman akong magawa. Naisipan kong pumunta sa veranda ng malaking kwartong ito.
Ang ganda at napakasariwa ng hangin Kitang kita mo ang buong mansyon. Yung pool napakalinis tapos yung garden sobrang gandang tignan. Natatanaw ko rin mula dito ang mga bulaklak na tanim sa hardin. May mga nakatanim doon na paborito ko tulad ng daisy at rose. Ilang minuto rin ako doon. Napag-isipan kong bumaba at pumunta sa may garden.
Mas sariwa ang hangin dito dahil ang daming halaman. Ang daming bulaklak. Inaliw ko ang sarili ko sa mga bulaklak at halaman na nakapaligid sakin. Mahilig ako sa mga halaman dahil mahilig din ang Mama ko. Namana ko sa kaniya iyon, bago sila mawala may flower shop kami sa Batangas noon. Kilala ang pamilya naming doon dahil sa mga magagandang bulaklak na nasa shop naming.
BINABASA MO ANG
Make You Mine (ON GOING | R18)
RomanceDELA ROSSI #1. WARNING: SPG | MATURE CONTENT | R-18 This story contains mature themes and strong language. Read at your own risk. Love. Vengeance. Pain. They said that we all deserve second chances. When she met him, everything has changed. A rough...