Chapter XVIII
Post.
I really don't have any idea kung ano man ang tinutukoy niya. Bumangon siya at naglakad papunta sa cabinet kung nasaan nakapatong ang mga bags na dala namin.Nang makabalik na siya ay agad siyang umupo sa dulo ng kama. Bumangon ako at ipinalupot ang kumot sa aking katawan. Tumabi ako sa kaniya. Dala niya ang binili niya kanina sa shop na pinuntahan namin.
Nagulat ako at mas lalong naghuramentado ang puso ko sa nakita.
It was the white oval-shaped pearl necklace from the shop!
"I bought this for you," saad niya. Tumayo siya at pumwesto sa likuran ko para maisuot niya sa akin.
"Hindi mo na kailangan gawin iyon, nag-abala ka pa..." mahina kong sambit habang hawak ang white pearl na pendant nito.
"I just want to give that necklace to you."
"Para saan naman?" natatawa kong tanong. Alam ko naman na walang nakakatawa pero natatawa talaga ako.
"Kailangan pa ba talaga ng dahilan para lang bigyan ng regalo ang isang tao?"
Umiling ako. Diba ako ang nagtatanong? Bakit binabalik niya sa akin ang mga tanong? Bumalik na siya ngayon sa pwesto niya kanina. Nakaupo sa dulo ng kama at nakatingin sa akin. Ako naman ay sa pendant na pearl nakatingin. Ang ganda talaga!
"Thank you!" nakangiti kong sabi sa kaniya. Ngumiti siya ng kaunti at kalaunan ay napawi din ito. Ano kayang magandang isukli sa regalo niyang ito? Hindi ko akalain na bibigyan niya ako ng regalo. Hindi kasi siya yung tipo ng tao na nagbibigay ng mga regalo... o baka sa itsura lang kaya ganoon? Mukha kasi siyang masungit, iyong tipong nakakatakot kausapin. Intimidating.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Gising na rin si Nana Dahlia at umiinom ng tea sa porch. Sumalubong sa akin ang makahulugan niyang ngisi. Kinabahan tuloy ako. Narinig niya kaya kami ni Zane kagabi? Holy shit!
"Good M-morning, Nana Dahlia..." agad kong kinurot ang kamay ko dahil sa pagkaka-utal baka mas maramdaman ni Nana kung ano ang iniisip ko... na sana naman ay hindi.
"Good morning, Hija... Hinihintay ko talaga kayo ni Zane para sabay sabay na tayong mag-breakfast, gising na ba siya?" tanong ng matanda at tumingin pa sa paligid at chinecheck kung may Zane ba na lalabas.
Nang mapansin niya na wala pa si Zane ay tumingin siyang muli sa akin.
Tumango-tango siya. "Well, maaga pa naman at hindi pa tapos sa pag-re-ready ng almusal. Let's drink tea, hija..." pinaupo niya ako sa upuan na nasa harap niya at nagsalin ng tea sa teacup at kaagad na iniabot sa akin, kinuha ko ito at ininom.
"Kailan ba ako magkakaapo sa inyong dalawa ni Zane, hija?"
I'm glad na nakainom at naibaba ko na sa mesa ang tea bago pa magtanong si Nana at baka kung hindi ay baka mailuwa ko nanaman ang tea at sumakto pa sa umaasang mukha niya.
Sa dami ng pwedeng itanong Nana, bakit ito pa?
"Hehe, wala pa po sa plano namin." Wala naman kasi talaga kaming plano, Nana. Naguguilty na talaga ako, hindi ko kayang magsinungaling. Nako Zane kung hindi mo sasabihim kay Nana ang totoo, lagot ka talaga sa akin!
"Kailan ba ng kasal? Hindi niyo pa rin ba pinag-pa-planuhan?" tanong niyang muli. Ang mga mata niya ay puno ng pag-asa at abot tenga ang ngiti niya.
Umiling ako ng paunti-unti. Hindi kinaya ang pagpawi ng ngiti sa mukha ng matanda. Alam mo? Kasalanan to ni Zane eh! Kung sana sinabi na niya ang totoo ay hindi na umaasa si Nana. She is so precious and kind. I couldn't lie to her. GRRR! ZANE KASALANAN MO TALAGA ITO!
BINABASA MO ANG
Make You Mine (ON GOING | R18)
RomanceDELA ROSSI #1. WARNING: SPG | MATURE CONTENT | R-18 This story contains mature themes and strong language. Read at your own risk. Love. Vengeance. Pain. They said that we all deserve second chances. When she met him, everything has changed. A rough...