Chapter VIII

73 6 0
                                    

Chapter VIII.
Girlfriend.


"Madame, pikit po for eyeshadow."

I closed my eyes so Dana could properly apply the eye makeup. He's gay. Naaalala ko tuloy ang naging usapan namin kanina ni Zane tungkol sa topic na 'yon. Neutral eyeshadow lang ang nilagay niya do'n. Nagustuhan ko 'yon dahil natural lang tignan.

"Dahil po neutral brown po ang eye makeup n'yo, Madame, babawi po tayo sa lips niyo." Aniya at ipinahid na sa labi ko ang pulang lipstick. Nakita ko na bagay nga 'yon. High ponytail ang inayos niya sa mahaba kong buhok. Mas bagay daw 'yon para mas makita ang high cheekbones ko.

"Ang ganda niyo talaga, Madame!" saad niya habang nireretouch ang make up ko.

Nginitian ko nalang siya. Namana ko ang mga mata at ilong ko kay Mama. Halos lahat sa kaniya, including my lips. Siguro ang namana ko lang kay Papa ay ang skin complexion ko. Medyo morena ako.

I wore a black deep v neck bodycon mini dress. Red stilletos naman ang pinasuot ng babaeng stylist sa akin.

"Madame, kabog! Ganda n'yo po!"

Nang matapos na sa pag-aayos ay napagpasyahan na naming bumaba. Nagkasalubong agad ang mga mata namin ni Zane. Nakita ko ang pagpasada niya ng tingin sa akin, mula ulo hanggang paa.

He is wearing a white longsleeve button down shirt, nakatupi 'yon hanggang siko, paired with khaki pants and brown leathered shoes.

Kahit anong ipasuot mo sa kaniya, babagay! Kahit pa ata basura ang ipasuot mo sa kaniya, magmumukha pa rin mamahalin. Dagdag pa ang naka-clean cut na niyang buhok ngayon.

Napatingin ako sa malaking orasan na nakadikit sa dingding ng tanggapan ng mansiyon. It's already seven-thirty in the evening. Sabi niya, alas otso mag-uumpisa ang dinner party na dadaluhan namin. Hindi naman siguro kami malelate.

"Shall we?"

Tumango ako. Pinagmamasdan lang niya ako. Mas lalo tuloy akong naiilang sa ginagawa niya. Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Holding hands while walking lang ang peg!

Pinagbuksan kami ng pinto ng sasakyan ni Bert, siya ang magmamaneho papunta do'n. Pinauna niya akong sumakay do'n tapos ay sumunod siya. Naamoy ko kaagad ang panlalaki niyang amoy.

"Kailangan ba talaga ako do'n?" nasa kaniya ang buo kong atensyon samantalang siya ay nakatingin lang sa harapan.

"Oo, I told you, tonight you'll be my girlfriend."

"Para saan pa? Bakit ako pa napili mo, I'm sure maraming babae ang gustong maging pretend girlfriend mo, noh!"

Madilim ang mga mata niya ng bumaling siya sa akin.

"Why? Ayaw mo ba?"

"Ayaw ko,"

"Gusto ko, eh." saad niya habang titig na titig sa akin.

Mga titig niya na parang gustong pumasok sa kaloob-looban ko. Mabilis akong umiwas ng tingin sa kaniya, panigurado mag-aaway nanaman kami kung hindi pa ako mananahimik.

Gusto niya na maging pretend girlfriend niya ako? Hah! Matapos niya akong 'di pansinin no'ng nakaraan tapos ngayon hihingi siya ng pabor sa akin? Aba! Iba din!

Fifteen minutes' drive lang ang tinagal namin. Ngayon nasa loob kami ng bulwagan ng isang malaking mansyon. Kung maganda ang mansyon ni Zane, maganda din ito.

"Ano bang meron dito?" bulong ko sa kaniya habang sumisimsim siya ng wine.

"A close friend is getting married soon. Para sa kanila ang dinner party na 'to." aniya at lumapit para maangkin ang baywang ko. Ngayon nakapulupot na ang mga matitikas niyang braso sa akin. Napangiwi tuloy ako dahil tiningnan kami ng mga matatandang babae sa 'di kalayuan kung nasaan kami.

Make You Mine (ON GOING | R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon