Chapter VII

79 6 2
                                    

Chapter VII.

Gay.


"Kuya ano po bang oras ang alis sa umaga ni Zane?"

Inabot ko ulit sa kanila ang sandwich na ginawa ko.

"Depende po,"

"Kapag gabi? Anong oras ang uwi niya?" nagbabakasakaling may matinong sagot na makukuha.

"Ngayon po, masyado siyang ginagabi. Dati po kase alas syete palang nasa bahay na siya ngayon po umaabot na po siya ng alas dyez."

Tumango ako sa nakuhang impormasyon. Ano kayang ginagawa niya ngayon at bakit ginagabi siya ng bongga?

Nandito ngayon si Bert, hindi ko alam kung bakit. Ang tagal ko siyang hindi nakita. Last na kita ko sa kaniya ay 'yung gabi na dinala ako dito. Nakaupo siya sa dining area at sumimsim ng kape.

Lumapit ako sa kaniya.

"Long time no see," nginitian ko siya.

Tiningnan niya lang ako at tumango sa akin. Wala man lang sagot sa sinabi ko. Manang mana sa amo! Sa inis ko ay umakyat nalang ako papuntang kwarto. Do'n nalang ako magpapalipas ng oras hanggang mamayang tanghalian.

Nakita ko na umiilaw ang phone ko sa ibabaw ng kama. Dinampot ko ito at nakita ang text ni Zane.

From: Zane

Uuwi ako mamayang lunch. Sabay na tayong mananghalian.

Nagreply nalang ako ng "okay." Baka magalit nanaman dahil hindi ako nagrereply sa kaniya.

Napadalas ang uwi niya tuwing lunch simula noong bumisita si Adriel dito noong nakaraang linggo. Hindi na ulit nagpunta si Adriel dahil busy din daw siya sa opisina. Nagtetext nalang siya sa akin.

Noong nag tanghalian na ay narinig ko na ang sasakyan sa baba. Hudyat na nandito na si Zane. Bumaba na ako. Naka shorts at spaghetti strap lang ako dahil mainit din ang panahon, maliligo ako sa pool mamaya.

Habang pababa ako ng hagdan ay siya namang pagpasok niya sa mansyon. Naka-button down shirt siya na nakatupi hanggang sa siko at black pants naman sa pambaba. Napansin ko ang pagbabago ng buhok niya.

Nagpagupit siya!

Mas lalo siyang gumwapo sa clean cut. Gwapo na siya sa medyo mahabang buhok niya noon na hanggang sa itaas ng balikat niya pero mas gumwapo siya ngayon! Kahit ano atang buhok ay babagay sa kaniya. Ngayon ay nakatingin na siya sa akin. Uminit ang pisngi ko dahil do'n. Pinasadahan niya ng tingin ang damit ko. Nagtiim bagang siya.

Dumiretso na kami sa dining area, walang kibuan.

"Nandito ka na pala." Si Manang Berta habang nireready na ang mga pagkain sa mesa. Nanuot agad ang halimuyak ng amoy sa aking ilong. Nagutom lalo ako.

"Calli..." banayad ang boses niya sa pagtawag sa akin. Nagulat tuloy ako. Ito ang unang beses na tinawag niyang muli ako.

"Bakit?" Kunot noo kong tanong sa kaniya.

"Aalis tayo mamaya. Please wear something decent." Aniya at pinasadahan nanaman ng tingin ang ayos ko.

"Bakit? Anong problema sa damit ko ngayon?" Inis kong tanong sa kaniya.

Ano pati damit ko pinoproblema niya?

"Tss..." at inirapan niya pa ako.

Abnoy!

"Manang, ang sarap niyo po talagang magluto." hinahaplos haplos ko pa ang tiyan ko dahil sa kabusugan. Tumawa nalang si Manang Berta sa akin.

"Bert, call Andrea... papuntahin mo siya mamayang 5PM dito. Magdala na din siya ng make up artist and stylist."

Make You Mine (ON GOING | R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon