OMG! After 2 years, I'm writing Zane and Calli's story again. Sana magtuloy-tuloy na ito dahil long overdue na... HAHAHAHAH
Chapter XXIV
Date
Madaling araw na ay hindi pa rin ako makatulog. Si Zane ay mahimbing ng natutulog sa tabi ko. Pinapanood ko ang payapang paghinga niya... Hindi pa rin makapaniwala sa mga narinig sa kaniya kanina.
Totoo na ito dahil nagmula na mismo sa kaniya. Mahal niya ako. Mahal ko rin siya. Nagmamahalan kaming dalawa. Napangiti ako, hinaplos ko nang bahagya ang mukha ng lalaking nasa harap ko. Gumalaw siya pero hindi naman nagising.
"Mahal kita, Zane..." wala sa sarili kong bulong. Lumabas lang ang mga salita na 'to sa bibig ko. Ang sarap pala sa pakiramdam na wala ka ng tinatago sa mga nararamdaman mo. Malaya kang sabihin sa mahal mo sa buhay na minamahal mo sila... isa na si Zane sa mga iyon.
Ngayon ko lang nakumpirma na mahal ko na pala siya at naging in denial lang ako sa nararamdaman ko sa kaniya dahil nangingibabaw ang inis at galit ko noon sa kaniya.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Isa ito sa mga payapang pagtulog ko sa buong buhay ko.
Nagising ako dahil sa mga mumunting halik sa akin ni Zane, napangiti ako. Umagang-umaga ba naman ganito ang bubungad sa iyo, hindi ka ba mapapangiti?
"Good morning, baby..." patuloy siya sa paghalik sa akin.
"Hindi ka papasok sa office ngayon?" nakikiliti na ako sa ginagawa niya, pero parang wala naman siyang pakielam dahil patuloy pa rin siya sa pag-kiss sa akin.
"Nope, we're going out today, this is our official date as boyfriend and girlfriend." Umupo na siya ngayon sa kama, bumangon na rin ako.
Nagtama ang aming mga mata. Kitang-kita ko ang saya sa mga mata ni Zane, sa totoo lang, ngayon ko lang nakita na masayang-masaya siya na pati ang mga mata niya ay nakangiti.
"Naiintindihan ko naman kahit na sa susunod na tayo mag-date..." pag-a-assure ko sa kaniya. Hindi naman niya kailangan ipagpaliban ang trabaho.
"Huwag na makulit, Calli." matigas niyang sabi, pero may malambing na mukha na nakaharap sa akin ngayon. Napangiti ako. Talo na sa usapan.
Tumayo siya at nagpaalam na kukuhain ang ipinahandang breakfast kay Manang. Pagbalik niya ay may dala na siyang tray na puno ng pagkain. Pinagsaluhan namin ito hangga sa pinagdesisyunan namin na mag-di-dinner kami sa labas mamaya. Ngayong umaga hanggang mamayang hapon ay mag-s-stay lang kami sa bahay at gagawin ang mga normal na ginagawa ng mga magkasintahan.
Nanood kami ng romantic movie, nag-swimming pagkatapos, naghanda ng merienda at nagpalipas ng oras sa garden. Parang ayoko ng matapos ang araw na ito.
May folding bed dito sa garden at tabi kami ni Zane ngayon, nag-cu-cuddle.
"We will go to my beach house sa Batangas bukas," saad ni Zane na nagpa-excite sa akin.
"May beach house ka sa Batangas? Wow!"
"Yup, magiging sayo rin iyon kapag ikinasal na tayo..."
Ramdam ko na parang may humawak sa puso ko, alam na alam ko na namumula na ang pisngi ko dahil sa kilig na nararamdaman. Gusto niya akong pakasalan!
"Kasal kaagad? Mag-aaral muna ako..." Sagot ko, nagpipigil ng tawa.
"I can wait." He said. Napangiti ako at tinignan siya. HInuli niya ang mga labi ko at ginawaran ako ng halik. I didn't kiss him back, nakangiti lang ako habang nakalapat ang mga labi namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/91282519-288-k757482.jpg)
BINABASA MO ANG
Make You Mine (ON GOING | R18)
RomanceDELA ROSSI #1. WARNING: SPG | MATURE CONTENT | R-18 This story contains mature themes and strong language. Read at your own risk. Love. Vengeance. Pain. They said that we all deserve second chances. When she met him, everything has changed. A rough...