Isang linggo na rin mula nung makilala ko siya.
Halos araw-araw tinu-tweet ko siya. Kung kamusta na ba siya, anong ginagawa niya, nakapagpahinga ba siya, kung ano kinakain niya, kung anung color ng damit niya at kung anu-ano pa.
Noong unang araw, puro favorite lang ang natatanggap ko mula sakanya. Masaya na ako doon. Sobra na nga yon eh. Atleast, nababasa niya at napapansin niya.
Pero mga pangalawang araw siguro, nagulat ako ng replyan niya ako, halos mapaos ako kakasigaw. Buti na lang wala si mama kung hindi nag-homily na naman yun dito.
Habang nag-scroll ako sa facebook. Meron siyang bago na in-upload na picture. How can he be so cute and handsome at the same time?
Pati na rin sa Instagram, napagawa tuloy ako ng account doon. At nahilig na rin ako magpicture sa sarili ko.
Nagtitingin ako ng pictures niya ng dumating yung kapatid ko na si Korinne.
"Ano yan laro?" tanong niya sa akin.
"Hindi.."
"Eh ano?"
"Pag-ibig.."
Narinig ko na lang siya na tumatawa, Oo na, korni na.
Pag-ibig? Pag-ibig nga ba? Nakakatawa. Ilang beses na ako nagkamali tapos ngayon pa ako nagtanong ng ganyan.
Hindi ko namalayan, Christmas Eve na mamaya. Hindi ko napansin, ang bilis ng araw. Parang kailan lang…
Ganon ba talaga pag nag-eenjoy?
- -
8pm. Nakaharap pa rin ako sa laptop ko. Naghihintay sa stream ng twitter at facebook.
May ni-post siyang link kung saan doon daw kami magtanong ng magtanong.
Halos hindi ako makahinga sa mga sagot niya. Puro pabalang. Kung wala kang sense of humor at pikon ka for sure, maiinis ka talaga.
Kagaya nalang neto,
Q: Anong favorite mong korean drama?
A: Kaps Amazing Stories. loljk dreamhigh.
Tawa ako ng tawa. Yung minsan napapansin mo nalang na ngiting-ngiti ka sa harap ng computer.
Yun rin yung araw na nagsimulang rumami ang haters niya. Minsan nga naiinis rin ako sa mga haters eh, ang babaw ng rason nila. Ni-hindi nga nila kilala ng lubusan yung tao pero kinaiinisan nila? Pwede naman nila iclose lang nila ung browser diba?
May nagtweet pa nga sakanya na, “Sus, hindi ka naman gwapo, sama pa ng ugali mo.”
Alam niyo yung feeling na ang sarap ituhog sa bbq stick yung nagtweet non? Akala naman nila kilala na talaga nila yung tao. Kung hindi nila gusto, edi tanggalin nila yung tab kung saan nakaopen ung profile ni Hyunsu.
Habang nagliliwaliw sa home page niya, napansin ko yung Bio niya. Anakngpatola~! May public number pala siya doon. Agad-agad kong hinanap ang cellphone ko. asdfghjdkaldputsnokolkasofnsiansds! Nawawala pa.
Tinignan ko sa bag ko, sa ilalim ng unan ko, sa loob ng cabinet ko, sa sapatos ko, sa lahat na! Nasaan na yon?!
BINABASA MO ANG
The Fame Game
Romance[On-going] Kyra, a highschool student who fell inlove with her English Teacher and his Twitter Crush. Who will she choose?