Level Nineteen - Friendzoned

241 14 10
                                    

- L E V E L N I N E T E E N -

Teka, sino ba ‘to?

Unti-unti kong minulat yung mata ko. Ano bang ginagawa niya dito? Hindi ba niya nahahalata na sobrang naiinis ako ngayon na gusto ko ng kalbuhin lahat ng may pangalang Ana? Nakakabwisit na parang gusto kong puntahan yung punyemas na Ana na ‘yun? Buset.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Umupo siya bigla sa tabi ko at pumikit. Napaka-insensitive ng taong ‘to! Hindi lang ba naman niya napapansin na wala ako sa mood? Ano bang malabo dun? Naiirita na nga ako, dadagdagan pa niya?

“Ano bang kailangan mo?” kalma kong sabi sakanya ng hindi nakatingin sa pagmumukha ng katabi ko. Walang sino-sino sa akin. Pag-badtrip ako lumayo ka, kung ayaw mo madamay. Hindi siya sumasagot, in lieu tumingin lang siya sa akin at ngumiti na alam ko at alam niyang hindi totoo yun.

"Kapag may mga bagay na hindi ko masabi sa ibang tao, ang ginagawa ko sinusulat ko.." tinignan ko siya pero hindi naman na siya ulit nakatingin sa akin. "Pero dahil walang papel at ballpen ngayon, isisigaw ko nalang.." Bakit niya sinasabi yan sa akin? "AHHH--" nagulat ako ng bigla siyang sumigaw. Dali-dali ko namang tinakpan yung bibig niya.

"Tumigil ka nga!" Hindi rin, abnormalite 'to no? Nasigawan ko tuloy siya.

"You look cute when you're angry." nakangiting saad niya sa akin. Teka, may naalala ako sa compliment na 'yan.. Ano nga ba ulit yun? Nakita ko namang nagulat siya. Ngayon lang siguro natanggap ng sistema niya kung ano yung sinabi niya. Napakamot siya sa baba niya.

"Tara." hinawakan niya ako banda sa pulso tapos sapilitang tinayo.

"Saan muna tayo pupunta?" nabubwisit ko ng tanong sa kanya.

"Basta.”

 

 

 

 

 

Nandito kami ngayon sa canteen, kumpara sa canteen sa school namin walang wala... yung school canteen namin. Kung bibilangin, may sampung stall ng iba't ibang bilihan 'to. Eh sa amin, tatatlo lang. May bilihan ng burger, cupcakes, turon, kwek-kwek, french-fries, junk foods at halo-halo. Yung iba ayoko na sabihin dahil nakakagutom na talaga. Tinignan ko yung relo ko, 2:51am na. Kaya pala nagvavibrate na yung tiyan ko.

"Anong gusto mo?" tinignan ko siya. Nahihiya ako, ngayon lang nagregister sa utak ko yung pagsusungit ko sakanya pero nagugutom na talaga ako.

"Sige, ako nalang pipili. Just wait here." Magsasalita pa lang ako, umalis na siya.

Tinignan ko siya habang bumibili siya ng makakain. Hays, bakit ko kasi siya napagsungitan? Naramdaman ko nalang na nagvivibrate yung cellphone ko. Siya na naman.

The Fame GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon