(I just wanna share my favorite song. I was listening to that song while I was writing this chapter. Click the YT video) -->
- L E V E L T W E N T Y -
Alam niyo ba yung kasabihang pag sobrang saya mo ngayon bukas o makalawa magiging sobrang lungkot ka? Hindi ko alam pero unti-unti akong naniniwala sa kasabihang yun.
Second week na ng February. Fortunately, wala kaming exams ngayong month. Fieldtrip at JS Prom kasi. Ayos diba? Kaya busy-busyhan kami ng konti sa school. Ang Promenade namin this Sunday na, mapilit ang principal kahit linggo pero 14 naman daw kasi yun kaya yung iba um-oo nalang.
“Be, Hindi ba inabot sa baryo niyo ung tinatawag naming suklay?” umagang-umaga pinapagalitan ko si Thea. Paano ba naman papasok basa pa yung buhok tapos halatang hindi pa nakakapagsuklay, may boyfriend na lahat pero hindi pa rin maayos sa sarili.
“Parang hindi ka na sanay, alam mo namang may mahika ‘tong buhok ko, instant ayos na yan, wait ka lang.”
“Hay nako, bahala ka nga dyan. Pahangin muna ako.” Lumabas muna ako, maaga pa naman, ginagawa niya kasi yung assignment sa a.p.
Papunta na akong girl’s room ng makasalubong ko yung isang 1st year at 4th Year. Bakit nandito yung 4th year? Eh sa kabilang building yan eh. Hay nako, PDA. So yun, pumasok nalang ako ng girl’s room at naghilamos lang ako saglit, nakaramdam ako ng sakit ng ulo.. Napapadalas na rin siguro kasi ang pagpupuyat ko eh.
Paglabas ko nandoon pa rin yung 4th year. Saktong nagbell, tumingin sa akin yung 4th year at nagpaalam doon sa 1st year. Pag-alis nung 4th year tinanong ko yung 1st year.
“Si Ingrid ka ng I-Deuxieme diba?” tumango lang naman siya.
“Boyfriend mo yun?” naglalakad na kami. Yung girl’s room kasi bandang 1st year kaya mauuna yung mga room nila, sunod 2nd year tapos sa amin na. Nakabukod yung 4th year dahil maiingay sila, mas maingay pa sa Preschool.
Tumingin-tingin pa siya sa paligid tapos tumgin sa akin. “Opo ate Kyra, wag ka po maingay ah..” nahihiya niyang tanong. Well, hindi na ako nagtataka kung bakit kilala niya ako, meron ba namang tarpaulin ng mukha ko sa labas ng school eh.
“Ah, sige.. Ito na yung room mo diba?” nasa harap na kami ng room nila, wala pa naman sigurong teacher sa amin eh.
“Opo, thank you po ah. Hindi po pala tama yung sinasabi nilang—“
“Good Morning Miss Ona and Miss Clarkson.” nakangiting bati ni Ma’am Chey.. Oops, si Ma’am Chey pala ang first period nila.
“Good Morning rin po Ma’am Chey, sige Ingrid, alis na ako.” hindi ko pa hinihintay yung sagot ni Ma’am umalis na ako. Nasa labas na ako ng room ng maalala ko yung huling sinabi ni Ingrid.
Hindi po pala tama yung sinasabi nilang—
Anong ibig-sabihin niya? Pagpasok ko nandoon na pala si Sir Melvin. Ewan, pero nawalan ako ng mood dun. Ibig sabihin may kumakalat na chismis sa akin? Ganun?
BINABASA MO ANG
The Fame Game
Romance[On-going] Kyra, a highschool student who fell inlove with her English Teacher and his Twitter Crush. Who will she choose?