- L E V E L F O U R -
Unang araw ng pag-pasok sa January. Ayoko pumasok, nakakatamad pa. Feeling ko hinahatak ako ng higaan ko pabalik sa kanya. Nakakatamad namang tunay eh. Bakit kasi January 3 pa lang may pasok na? Amoy pulbura pa nga siguro ung iba kong kaklase eh. Hays.
“Ma, hindi muna ako papasok… Wala pa naman kaming gagawin eh.” Sabi ko kay Mama na kasalukuyang nasa harap ng pintuan ng kwarto ko.
“Unang araw ng pasok maga-absent ka? Pumasok ka na.”
“Eh.. wala naman gagawin eh.. For sure, wala pang papasok niyan.”
“Pumasok ka pa din, maghapon ka lang magbabad sa internet dito eh.”
“Naman eh..”
Ano pa ba ang laban ko di’ba? Kaya tumayo nalang ako at ginawa ang aking morning rituals. Nakakatamad eh.. Pero kailangan.
Habang naghihintay pumatak ang 6:15 sa orasan, hudyat na aalis na ako sa bahay para maglakad papuntang sakayan, nag-twitter muna ako sa mobile. May 15 minutes pa naman eh.
10 minutes yung last na tweet niya na, “Good Morninggggg.”
Parehas pala na may pasok kami ngayon, kung siya Graduating sa kursong Nursing ako naman, Junior pa lang pero 16 na ako, Bakit? Ewan ko rin. Basta ang alam ko late na ako nag-aral. Siya naman 19 na, Ewan ko rin. Siguro ma-aga naman siya nag-aral.
Sabi pa nga niya sa isang tweet na hindi talaga niya gusto ang kursong nursing, kung siya ang papapiliin, gusto niya daw mag-artista. Kaya lang naman siya nag-nursing dahil utos rin ng mga magulang niya.
So yun, dahil kasama na rin sa morning ritual ko ang pagtutweet sa kanya ng, “Good Morning Hyunnniee.. Smile!” ginawa ko na rin bago ako umalis ng bahay. Napansin kong 6:13 na kaya in-off ko na yung wi-fi sa cellphone ko at umalis na.
First day pa lang, kaya inaasahan kong kokonti lang ang tao na sumasakay.. Buti na lang at ganoon, yung iba kasing school, Next week pa ang pasukan. Hindi ko malaman sa school namin kung bakit ang aga ng pasukan, eh late na rin naman kami nag bakasyon.
Naghintay ako sa harap ng subdivision namin ng jeep, pero 6:20 na wala pa rin. Walanjo. Pati ba naman mga jeepney driver tinamad pumasada? O baka naman may mga hang-over pa.
After 99999 decades, may dumaan na rin na jeep kahit magmistulang sardinas na yung jeep sa sobrang sikip. Buti na lang may bumabang tao sa subdivision namin kaya nakasakay pa ako. Wala eh, may magagawa pa ba ako? 6:30 na eh. 31 minutes na lang malelate na ako.
Pagdating ko sa babaan, kailangan ko pa maglakad ng halos 120 seconds para makarating sa main gate ng school, At oo, main gate pa lang iyon, iba pa papasok sa pinaka gate talaga ng school. Kung trip mong maglakad na parang nasa luneta, aabutin ka ng 100 seconds at kung medyo nagmamadali ka, 46 seconds lang. Eh dahil 6:58 na at magbebell na, tinakbo ko nalang yun. At mantakin niyo un, inabot lang ako ng 30 seconds?
BINABASA MO ANG
The Fame Game
Romance[On-going] Kyra, a highschool student who fell inlove with her English Teacher and his Twitter Crush. Who will she choose?